18 | The Headmaster's Request •

332 28 8
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| The Headmaster's Request ||

'AUGUST'

"There is nothing to worry about Ehaan. He simply lost consciousness due to fatigue. All he needs is rest and he will be fine."

Nakahinga rin ako ng maayos matapos marinig ang sinabi ni Nurse Rebecca. Inalis na niya ang nagliliwanag niyang kamay na nakapatong sa noo ni Angel.

Nag-snap ng daliri si Nurse Rebecca ay dalawang vial ng puting liquid potion ang lumitaw sa palad niya.

"I'll leave two bottles of strengthening potion. Just make sure na maiinom niya ang isa tonight and the other one naman tomorrow morning. It will help him get back his lost or depleted energy quickly," bilin niya saka ipinatong ang mga vial sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng higaan ni Angel.

"Thank you, Rebecca." Pasasalamat sa kaniya ni Headmaster. 

Tumayo na sa pagkakaupo sa gilid ng kama ni Angel si Nurse Rebecca. Lumapit ito ng nakangiti kay Headmaster at tinapik ang balikat nito.

"I'm just doing my job here, Thomas," sabi ni Nurse Rebecca.

Nagpaalam sandali sa amin si Headmaster Thomas na ihahatid muna sa labas ng Camp si Nurse Rebecca. Ang tanging naiwan na lang dito sa room ni Angel ay ako, sina Lex, Brione at Rie pati na rin si Prof Rios.

"Thank goodness naman at okay lang itong Friendship ko," sabi ni Rie na nasa kabilang side naman ng kama nakaupo. Kitang-kita rin sa kanya ang pag-aalala sa kaibigan niyang wala pa ring malay.

Ako rin naman eh, ganu'n din ang nararamdaman ko lalo na nang bigla itong nawalan ng malay sa harapan ko kanina.

Nang malaman ko mula kay Andrei na nandito na si Angel ay inakyat ko kaagad siya para sana kausapin at ayain na bumaba kaso pagbukas niya ng pinto ay bigla na lang umikot ang mata niya bago nawalan ng malay. Mabuti na nga lang at nasalo ko siya bago ito bumagsak sa sahig.

Dali-dali kong pinatawag kanila Lex at Brione na sumunod pala sa akin ang Camp Manager namin na si Prof Rios para humingi ng tulong kaya sabay na dumating dito sila Headmaster Thomas at Nurse Rebecca kanina.

Marami rin ang gustong maki-usisa kanina sa nangyayari, mabuti na lang at napatahimik ni Prof Rios at kaming malalapit na kaibigan na lang ni Angel ang pinayagang mag-stay sa room niya habang cheni-check siya ni Nurse Rebecca.

"So it's a good thing that August went up here to pick him up. If he lost consciousness here without anyone knowing who knows what else might have happened to him," sabi ni Pareng Brione.

"Ano ba naman kasi ang pinaggagawa ng isang ito at naubusan ng lakas? Baka naman kasi humarvat pa ito o kaya naman ay nag-booking pa kanina kaya lumabas ng Campus. Naku, ang selfish niya naman kung truthfulness nga! Hindi ako sinama," sabi naman ni Rie na parang naghihimutok pa.

Lahat kami ay napakunot ang noo habang nakatitig kay Rie na nagpupunas pa ng luha.

"Ano naman 'yung humarvat saka nag-booking, Rie?" tanong ko. Nalilito kasi ako. Hindi familiar sa akin 'yung mga binanggit niya.

Hinawi-hawi naman niya ang buhok niya at inikot-ikot pa na akala mo pagkahaba bago tumingin sa akin.

"Hmm... nothing so important naman talaga, Boss Agosto. Ano lang 'yun, gay-lingo na nauso noong 20th century. Humarvat and nag-booking is parang um-awra ng boys, ganu'n." Paliwanag niya.

Sabay-sabay na lang kaming napapahid ng mga ilong namin nina Pareng Brione at Lex sa paliwanag niya.

"20th century pa 'yung terms na 'yun!? Ang retro mo naman, Class Pres! Year 3016 na oh!" bulalas ni Lex na naglalagay na ng bulak sa kaniyang ilong.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Onde histórias criam vida. Descubra agora