42 | Hell Week •

213 21 38
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Hell Week ||

'AUGUST'

"Ahhh! Tangna ang sarap! Ahh! Ibaba mo pa ng konti— Ugh! Iyan! Ang sarap!"

Nasa kasarapan ako ng pag-ungol nang may biglang tumamang unan sa mukha ko na sinundan ng malalakas na halakhakan.

"What the heck, P're!? Ungol ka nang ungol diyan para kang inaano ah!" halakhak ni Lex na gumugulong na sa sahig kakatawa. Sure ako na ang gagong 'yun ang bumato ng unan sa akin.

"Tangna mo! Lumabas ka nga, istorbo ka eh!" Dinampot ko rin ang unang na ibinato niya sa akin saka ko ibinalibag pabalik sa kaniya.

"Sa ang galing magmasahe ni Pareng Elixir eh. Daling-dali niya 'yung mga lamig at mga nabugbog na muscles. Mapapa-ungol ka talaga sa sarap!"

Tawa naman nang tawa ang mga barako ng class na nandito sa room ko ngayon, kahit si Pareng Elixir na nagmamasahe sa likod ko halos maluha na rin katatawa.

"We know but you're moaning so loud, Boss August. Mamaya may makarinig sa labas kung ano pang isipin!" Nagpupunas ng luha sa katatawa na sabi ni Andrei.

"Masarap din ako mag-massage, Boss. Gusto mo ma-try? Tanggal talaga lamig sa katawan mo sa masahe ko!" Humahalakhak na alok ni Djhor sabay taas ng mga kamay na magma na ngayon. Mas lalo tuloy silang nagtawanan, pati ako natawa na rin.

"Gago ka ba? Sapakan na lang kaya tayo!" Taas ko rin ng dalawang kamay kong purong ginto na.

"Ang kuripot kasi. Pwede namang magpunta na lang ng spa para roon na lang magpa-massage. Nang-abala ka lang ng tao," na-iiling namang komento ni Pareng Bri na nasa isang sulok, hawak pa rin niya iyong favorite book niya na "How to court a Girl".

"Hindi ako kuripot, P're! Wala lang talagang time! Alam mo namang ang dami kong hinahabol, 'di ba? Pasayahin ang sarili nga hindi ko na magawa. Isang linggo ko na kayang hindi nalalaro si August junior, kawawa naman. Tangna kasing pagka-busy ito, pasakit din sa puson!" Himutok ko habang nagbibihis.

Tawanan na naman sila.

Normal na usapan lang naman ito, mga barako naman itong mga kasama ko kaya okay lang kahit walang filter ang bibig. Kami-kami lang naman.

"Nasaan na ba kasi si Rie? Usapan after dinner nandito na ah!" Baling ko sa kanila habang pinipihit ang katawan.

Ayos din mag-massage si Elixir, tamang-tama ang bigat ng kamay. Medyo nawala nga ang pananakit ng likuran ko sa halos isang linggong sunod-sunod at walang awang training program sa kamay ni Prof Ayumu.

Akala ko talaga kasing gentle ng personality ni Prof Ayumu ang gagawin niyang pag-train sa akin pero hindi pala! Ibang-iba siya sa Combat Ed namin kapag kami na lang dalawa, talagang walang patawad!

Dahil marami akong hinahabol para sa darating na preliminary examination at dahil dalawa na rin ang Weirdness ko kaya dalawa na rin ang training program ko, talagang binubugbog ako ni Prof Ayumu kada session.

Bukod kasi sa Weirdo Course at Combat Ed, may one-on-one session din kaming dalawa tuwing matapos ang klase kaya minsan inaabot na ako ng gabi sa campus.

Extended session lang naman iyon na nakalaan lang para sa pag-train sa Essence Theft ko na kinakatakutan nilang lahat.

Minsan nandoon din si Headmaster Thomas para panoorin ako at kamustahin ang improvement ko. Talagang tinotoo niya 'yung sabi niya na "personal" niya akong imo-monitor kapag hindi siya busy.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now