31 | Mercenaries •

195 19 6
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Mercenaries ||

'AUGUST'

Limang malalaking tipak ng bato ang sunod-sunod na bumulusok papunta sa akin. Kahit na masakit pa ang likuran at panga ko matapos akong tamaan ng solid na sapak ng tangnang Villain na 'yun ay dali-dali na rin akong bumangon at dinurog ang unang bato na tatama sa akin. Ang mga sumunod ay inilagan ko na lang at dinurog gamit ang explosive spell.

Tumayo ako ng maayos hawak ang kanang kamay ko. Kanina lang ay medyo maayos na ang lagay ng kamay ko dahil sa healing tree ni Angel pero ngayon parang mas lumala pa yata ang damage ng kamay ko.

'Tsk! Tangna kasing gagong ito eh. Kala ko bagsak na kanina. Buhos pa naman na lahat ng lakas ko kanina pero ito siya– nakatayo pa ngayon na parang nanggagago lang.'

"Marvelous! Napakahusay! Bravo!" Palakpak ng tarantadong Villain na 'yun habang naglalakad palapit sa akin.

"Bravo mong mukha mo! Ulol!" sigaw ko sa kaniya. Kung nakakapatay lang ang masamang tingin, chop-chop na 'yang gago 'yan.

Sa 'di mabilang na beses ay ginamit ko ulit ang Weirdness ko para kumuha ng energy sa paligid, sapat lang para makatayo ako ng maayos. Habang tumatagal kasi ay nagiging manhid na ang katawan ko at baka mamaya lang ay bumilis na naman ang palpitation ng puso at mga ugat ko.

'Yun ang iniiwasan ko kaya kahit na injured na rin ako ay pakonti-konti na lang ang kinukuha kong residual energy para hindi mabigla ang katawan ko.

Aasa na lang muna ako sa spells.

Tumawa ulit ang Villain matapos niyang makita na kumuha ako ng energy sa paligid. Makikita naman kasi kapag ginagawa ko 'yun dahil lahat ng pumapasok na energy sa akin mapa-residual man sa hangin o sa magical assaults ay nagiging crimson mist muna bago pumasok sa katawan ko. Visible sa mata kumbaga.

"Nakakatuwa talaga ang generation ng mga Weirdos ngayon. Habang tumatagal, mas lumalakas ang mga Weirdness pero mas nagiging pulpol at inutil naman. Sa nakikita ko, mukhang rare Weirdness ang meron ka. May kakayahan kang kumuha ng residual energy sa paligid at sa mga magical assaults. Nagagawa mo ring kumuha ng physical strength parang sa Strength Snatching Weirdness pero mukhang mas malakas ang sa'yo. Physical at magical energies ang nakukuha mo," sabi niya.

Nginisian ko naman siya.

"Oh, dahan-dahan sa pag-hanga sa akin. Gusto mo ba ng autograph? Pwe! Manigas ka dahil itong kamao ko na lang ang ibabakat ko sa mukha mo! Ito na ang autograph ko sa'yo, gago!" sigaw ko sabay sugod sa kaniya.

Nakangising inabangan naman niya ako. Ginamit niya ulit ang Weirdness niya kaya naging pure na ginto na naman ang buong katawan niya.

"Natunaw ka na kanina! Gagawin na sana kitang alahas. Tangna ka!" sigaw ko bago ko siya pinaulanan ng suntok at sipa.

Hindi naman siya nahirapang ilagan o kaya ay depensahan ang sarili niya. Kumpara nga kasi kanina, ang bilis ko ngayon ay limitado na lang kaya madali na lang niyang nahuhuli ang mga susunod kong gagawin.

"Umasa ka bang natalo mo na ako kanina? Hah! Nakakatawa ka, bata. Masyado mo yatang minamaliit ang mga nakakaharap mo. Sabagay, halatang-halata naman sa'yong walang ibang laman iyang ulo mo kundi kayabangan," sabi niya sabay salo ng kamao ko. Bago pa ako nakagawa ng kilos para lumayo sa kaniya ay naunahan na niya ako.

Hinablot niya ang leeg ko saka ako hinagis paitaas, nang pabagsak na ako ay napansin kong inumang niya ang paa niya. Alam kong sisipain niya ako na parang bola ng soccer kaya bago pa siya magtagumpay ay napitik ko na ang daliri ko. Sumabog ang explosive spell sa pagitan namin kaya pareho kaming tumilapon palayo.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now