47 | Nachtmerrie •

190 23 2
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

||  Nachtmerrie ||

'AUGUST'

Palubog pa lang ang araw nang makabalik kami ng Camp, tulad ng inaasahan, halos iilan na lang ang mga estudyante na natira dahil karamihan ay umuwi siguro sa kani-kanilang pamilya.

Ako? Wala naman akong gagawin sa bahay kung umuwi man ako saka siguradong busy rin si Aaron kaya rito na lang ako.

"Are you sure okay ka lang, p're? Hindi na ba masakit ulo mo? Dapat dumaan muna tayo kay Nurse Rebecca eh," tanong ni Lex na kanina pa nga ako kinukulit.

Tumigil ako sandali sa paglalakad paakyat ng hagdan para harapin siya.

"Ayos na nga, kulit naman nito!" sagot ko. "Saka ayokong pumunta roon sa infirmary. Puro pangalan ko na lang nakatatak doon. Isang buong ledger na."

Nagkatinginan naman sila sandali ni Pareng Bri na as usual, tahimik at seryoso pa rin.

"What just happened to you? Masama ba pakiramdam mo?" tanong naman ni Pareng Bri. Tuloy na ulit kami sa pag-akyat sa floor ng rooms namin.

"Hindi naman. Siguro pagod lang dahil sa exam kahapon. Pero ayos naman na ako, mga p're. Dapat nga ay hindi niyo na ako sinamahan pabalik dito. Dapat sumama na lang kayo kanila Rie."

Tinapik naman ni Lex ang balikat ko. "Pwede ba namang pabayaan ka namin mag-isa, p're? Napakawalang kwenta naman naming tropa kung hahayaan ka namin, 'di ba, Pareng Brione?" Baling niya kay Brione.

Nagkibit-balikat naman si Pareng Bri. "I'm also not in the mood to go and watch whatever that concert is. I'd better just check the new novels that I ordered yesterday."

Nang makarating kami sa floor namin, nagkahiwa-hiwalay na rin kami at nagpaalam na sa isa't-isa para makapagpahinga.

"Sige, p're, pahinga ka na. Kung may kailangan ka don't hesitate to know on my door, okay?" sabi ni Lex bago nakipag-fist bump sa akin.

"Sige sige. Salamat, p're. Maiidlip na muna siguro ako," sagot ko na lang bago siya tumango at pumasok ng room niya.

Lumakad na rin ako papunta sa room ko pero bago iyon ay sinaglit ko muna ang room ni Angel na katapat lang ng akin.

Katulad ng dati, kumatok ako ng ilan at sinubukan ding buksan ang doorknob pero wala, locked na. Gano'n pa man, hindi naman ako nalungkot dahil alam ko naman na babalik siya at sa Headmaster ko mismo nakuha ang confirmation.

Hindi ko nga lang alam kung kailan pero sana 'wag masyadong matagal dahil naiinip na akong makita at makasama siya ulit.

Ilang saglit lang tinagal ko sa room ni Angel bago ako pumasok sa sarili kong silid. Bigla na naman kasing sumakit ang ulo ko kaya diretso kaagad ako ng kama at pabagsak na humiga ng hindi man lang hinuhubad ang sapatos o alinman sa suot ko.

Maayos at masaya naman ang naging gala namin kanina, puro nga lang kami kulitan at asaran dahil puro mga barako ng class ang kasama namin idagdag pa na center of focus namin lahat kanina si Rie.

Kahit naman na puro siya kaartehan kanina at halos pagtinginan na kami ng mga tao sa downtown kanina dahil sa ka-ingayan niya, noong tumagal ay nag-enjoy na rin naman siya lalo na noong binigyan na namin silang dalawa ng privacy ni Pareng Lex para sa date na ipinangako ni Lex kapalit ng pag-tutor niya sa amin noon.

Pero matapos ang siguro three hours na paggagala-gala namin kanina, bigla akong nakaramdam ng hilo.

Wala naman akong ibang nararamdaman kanina bago kami umalis, hindi naman masama ang pakiramdam ko. Pero noong nakaramdam na ako ng hilo, sumunod na roon ang pananakit ng kalamnan ko na sinundan ng pakiramdam na para akong kandila na nauupos.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu