27 | In Action •

220 25 14
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| In Action ||

'AUGUST'

Chaotic.

'Yun ang kasalukuyang kalagayan ng bahaging ito ng downtown kung saan naganap ang Villain attack. Kung magulo na ang lagay ng mga nasa labas ng magical barricade na in-erect ng mga Agents sa buong paligid, mas higit namang magulo rito sa loob ng danger zone.

Kahit saan ako lumingon, wala akong ibang makita kundi mga gumuhong buildings at establishments, ang ilan pa nga sa mga ito ay nasusunog.

Ibang-iba na ang magulo dahil sa dagsang tao kanina ang lugar na ito, ngayon kasi ay talagang literal na magulo na ito. Nagmistulang war zone.

Wala na rin akong makitang ibang tao. Punong-puno ng usok ang paligid at alikabok. 'Yung sirena ng mga bombero, pulis cars at mga ambulansya ay medyo mahina na mula rito kasama na ang mga palahaw ng mga tao sa labas ng magical barricade.

Dito sa loob, nakakabingi lang ang katahimikan. Minsan ay may maririnig ka na lang na sasabog kasabay ng bahagyang pagyanig pero mas madalas ang nakakakilabot na katahimikan.

Sa bawat hakbang ko, kasabay ng paglinga-linga sa paligid ay ang mabibigat na paghinga at mahihinang mura.

"Tangna!"

Hindi ako makapaniwala na ang bahaging ito ng downtown na dinaanan ko lang kanina na punong-puno ng mga taong naglalakad-lakad at namamasyal ay nasa ganito na ngayong kalagayan.

Habang tumatagal ang pananatili ko rito. Habang lumalalim papasok sa pinaka-sentro ng kaguluhan ang nalalakad ko ay mas lalo lang bumibigat ang galit at muhi na nararamdaman ko.

Mula pa kanina, itong parang bulkan na nag-aalburoto sa loob ng dibdib ko ay hindi na tumigil. Mukha man akong kalmado habang naglalakad-lakad mag-isa rito ay nagsusumigaw naman ang galit sa dibdib ko para sa mga putang*nang mga Villains na nagpasabog at nanggulo ng napakaraming buhay rito.

"Argh! Buwiset!"

Sandali akong tumigil sa paglalakad at sumandal sa pader na malapit lang sa akin. Hawak ko ang dibdib ko at pilit na pinapababa ang mabilis at malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Parang indicator na ng galit ko itong pakiramdam na may nag-aalburotong bulkan sa dibdib ko. Kapag nararamdaman ko ito, ibig sabihin ay totoong galit na ako at unti-unti na akong nawawalan ng kontrol.

Kaya kesa na makagulo pa sa halip na makatulong ay tumigil muna ako pansamantala para pababain ang galit na nararamdaman ko.

Habang tumatagal kasi na nag-stay itong ganitong feeling ay mas lalo lang kumakalat sa katawan ko ang inis, galit o ano-ano pang negative na emosyon. Kapag nangyari 'yun, baka magwala na naman ako at mapagbuntunan ang mga makikita ko.

Ganito kasi ako. Hindi ko nga alam kung kailan pa ito, basta noong nakaraan taon ko lang nasubukan ang ganitong pakiramdam simula noong unti-unti ko ng natututunan ang Weirdness ko. Parang may nagigising na kung ano sa dibdib ko tapos namamalayan ko na lang ang sarili ko na nagwawasak na ako ng mga nakapaligid sa akin. Kahit ano. Kahit sino. Nadadamay kapag na-lose na ako sa control.

Ibubuhos ko na lang ito mamaya kapag may nakaharap na akong Villain. Tangna! Punong-puno ng residual energy ang buong paligid.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now