61 | Masked •

128 8 2
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Masked ||

'AUGUST'

"Sandali! Sandali lang!"

Tumigil ang mga paa ko sa pagtakbo. Hindi lang mga paa ko ang huminto sa pagkilos kundi pati ang buong katawan ko.

"U-Uy! Ano 'to?! Anong ginagawa mo? Bakit hindi ako makakilos!? Hoy! Tangna kang demonyo ka! Hoy!" sigaw ko. Wala naman akong ibang pwedeng paghinalaan kundi ang gagong demonyong 'yun lang na gumugulo palagi sa isipan ko.

"Hoy demonyo ka rin!" sigaw rin nito pabalik.

Tss! Sabi ko na nga ba!

"Ano ba kasing ginagawa mo!? Alisin mo ito! Nagmamadali ako!" Pinilit kong gumalaw pero ayaw talaga, hindi ko talaga maigalaw ang katawan ko.

"Alam ko pero sandali nga lang! Pakinggan mo muna ako kung gusto mo pang humaba ang buhay mo!"

"Tsk! Wala akong oras para makipag-gaguhan sa'yo! May mga tarantado pa akong kailangang gulpihin! Alisin mo na ito! ALISIN MO NA!" Sinubukan ko ulit gumalaw na nagawa ko naman pero sobrang liit lang.

Bwisit talaga!

"Wala rin ako sa mood kaya makinig ka na lang! Labag ito sa loob ko pero wala rin akong magagawa kundi tulungan ka."

Ito na naman siya sa sinasabi niyang "kasunduan" daw namin na hindi ko naman alam kung ano. Ewan! Parang ginagago na nga lang ako nitong demonyong ito pero tulad niya, wala rin akong magawa.

Tsk! Bukas na bukas din magpupunta ako ng simbahan. Kung kinakailangan kong maligo o lumaklak ng agua bendita para lang ma-exorcise itong demonyong itong sa katawan ko, gagawin ko.

"Ano ba kasi 'yun?!" tanong ko na lang. Tulad ng sabi ko, wala na rin akong choice.

"Kung haharapin mo ang mga Evokers ngayon, kakailanganin mo ang tulong ko," sabi niya. Nagsalubong ang mga kilay ko.

"Huh? Tulong? Hindi ko kailangan 'yan! Hindi mo yata kilala kung sino ako. Boss August yata 'tong kausap mo, hoy!" Walang pagyayabang, sa totoo lang.

"GAGO! Hindi sapat 'yang kayabangan mo sa kanila! Hindi mo kilala kung sino ang mga makakalaban mo. Hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin."

Hindi na ako nakapagsalita. Hindi dahil sa wala akong masabi kundi dahil hindi ko na rin magalaw ang bibig ko.

Tangna talaga!

"Kaya pakalmahin mo muna 'yang bayag mong puro hangin at makinig ka sa akin! Bibigyan kita ng pagkakataong makapagsalita matapos ko, kaya manahimik ka muna, pwede ba?" sabi nito.

Dahil hindi na ako makapagsalita, sa isipan ko na lang siya pinagmumura. Bobo rin eh. Tatanong pa 'di na nga ako makasagot. Bobo!

"Tulad ng sinabi ko sa'yo kanina, ang mga Evokers ay hindi tulad ng mga tinatawag ninyong Weirdos ngayon sa panahong ito. Ang mga Evokers ay isa sa mga unang humawak ng mahika sa lupaing ito ilang siglo na ang nakakalipas," panimula nito. Pag-irap na lang ang nagawa ko nang marinig ko ito.

Tsk! Paulit-ulit na lang kasi. Nasabi na niya ito kanina at hindi ko alam kung totoo ba ito o hindi.

Malutong na TANGNA! Sino ba naman kasi ang maniniwala na sa panahon ngayon, may mga nabubuhay pa ring mga witch. Oo, ang mga Evokers na tinatawag niya ay mga witch daw; mga purong mangkukulam. Iyon ang sabi niya.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now