17 | Letter

308 28 12
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Letter ||


'AUGUST'

"Boss August, let's finish our report for Theoretical Magic tonight at the common hall. Bukas na ipapasa yun." Tapik ni Djhor sa akin habang naglalakad kami pabalik sa Camp Wyvern.

Puro class C lang ang makikitang naglalakad ngayon pabalik ng Camp dahil maaga kaming na-dismiss.

Wala kasi si Prof Ayumu kaya wala kaming Combat Ed kanina. Nakakaasar nga pero ayos na rin para maagang makapagpahinga.

"Eh? Bukas na ba ipapasa yun?" Kamot-ulo kong tanong sa kaniya.

Si Djhor Maramba na isang Magma Arm Weirdo, si Andrei Choi na isang Radar Weirdo at si Theresa Solano na nag-iisang Light Weirdo ng Sierra ang mga ka-group ko.

"Yup!" sagot ni Djhor. "Last Thursday pa kaya binigay sa atin ang topic ng report natin."

"Tangna! Totoo? Eh wala pa akong nasusulat para sa individual research!"

Natawa naman siya pati sila Lex na kasabay namin.

"Ayan, puro ka kasi Angel- Angel- Angel, eh hindi ka naman pinapansin. Yari ka niyan bukas kay Prof Gamboa, alam mo pa namang male version ng witch nating camp manager yun," asar pa sa akin ni Lex kaya nakatikim kaagad siya ng sapak.

"Kung wala kang sasabihing maganda shut up ka na lang kung ayaw mong gumapang pababa ng hagdan, Lex."

Inilayo na siya ni Brione sa akin.

Pagdating namin sa Camp ay hinanap kaagad ng mga mata ko si Angel pero sa dami naming mga freshmen na sabay-sabay na naglalakad ngayon ay hindi ko na siya mahanap.

Mula kasi noong dumating siya sa Spell class namin kanina hanggang ngayon ay hindi na ito namamansin.

Kahit sila Rie, Amber at Theresa na madalas niyang kasama ay hindi rin siya makausap. Gusto ko lang malaman kung may problema ba siya o kung anong iniisip niya.

"You're looking for Ehaan, right?" tanong ni Brione na kasabay kong naglalakad.

Tumango ako.

"Oo. Sinusubukan ko kasi siyang kausapin at lapitan mula pa kanina pero hindi talaga siya namamansin, kahit sila Rie hindi rin siya makausap tapos ngayon hindi ko na naman siya makita. Napaka-misteryoso na talaga ng taong yun."

"I saw him earlier, he was hurrying to the main gate of the campus. Maybe he was going somewhere," sabi ulit ni Brione kaya napatingin na ako sa kaniya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina, p're!? Dapat sinabi mo!"

Nagkibit balikat lang siya.

"That's all I saw. Also I'm not sure where he's going," sabi niya.

Sumingit na rin sa usapan si Lex na naka-white na brief na lang. Nagkatinginan na lang kami ni Pareng Brione.

Hindi ko alam kung kelan niya nahubad ang mga suot niya pero hindi na namin pinansin kasi madalas naman na siyang ganyan lalo na kapag nandito na kami sa floor namin sa Camp.

Gago talaga eh.

"You know what, p're. Kanina ko pa nga napapansin yung pagiging tahimik niya eh," komento niya habang nagkakamot ng harapan niya.

"Don't worry, I'll try to talk to him mamaya. May hindi pa rin kami tapos sa report namin eh. Sa common hall din daw kami mamaya sabi nila Avon."

Matapos niyang magsalita ay hinaplos-haplos niya ang kaliwang pisngi ko saka tumakbo. Late ko ng naalala kung saan galing yung kamay niya kanina.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ