2 | Camp Wyvern

770 56 27
                                    

A/N: Sa previous chapter, nabanggit ko ang pagkakaiba ng Strength Snatching at Essence Thief. Well, ang Strength Snatching ay power/weirdness to snatch or rob others 'physical strength' without physical contact at gamitin ito para i-convert into superhuman strength, and tremendous endurance and stamina. While ang Essence Thief naman ay power/weirdness to steal others 'physical and magical energy' and use it to fuel the Weirdo's physical strength, endurance and stamina like Strength Snatching.

Now, bakit mas "powerful" ang Essence Thief compared sa Strength Snatching? That is because hindi lang 'physical strength' ang kayang nakawin ng Essence Thief kundi pati 'magical energy'. Plus, may advance feature pa ang weirdness na ito na i-rob/steal ang residual energies sa paligid at pati na rin ang mismong magical energy ng isang spell or weirdness. Kung ma-perfect ni August ang feature na ito, aba, magkakaroon siya ng sort of Nullification ability dahil absorption/stealing power ng weirdness na ito. But of course, "magical" assault lang ito applicable at hindi sa mga physical type weirdness. Same rin na may certain amount lang ng energy na kayang kunin ang dalawang weirdness. So it's up to them na kung paano i-train ang pagpapalawak ng threshold ng weirdness nila.

May iba pang features ang weirdness ni August na syempre, malalaman n'yo rin soon as the story progresses. Now, back to the regular programming. Kimmy!


📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Camp Wyvern ||

'AUGUST'

Tahimik na naupo ang lahat sa mga upuan na bigla na lang sumulpot pagdating ng Headmaster. Sa first row ako nakaupo kaya kitang-kita ko sa malapitan ang hinahangaan at nag-iisang Spatial Weirdo ng bansa, syempre ang ama ng Sierra na walang ibang kundi si Headmaster Thomas Riverin Dig.

Spatial Weirdness ay sister-weirdness ng Temporal ayon sa mga nabasa ko syempre. Kung kayang i-freeze ng Temporal ang oras at gumawa ng portal, ang Spatial naman ay gumawa ng alternate planes or dimensions.

At tulad ng sabi ko kanina, si Headmaster Thomas lang ang nag-iisang Spatial Weirdo ng bansa at siya rin ang bumuo ng tanyag na Sierra's Sphere kung saan makikita ang Arena at mga battlefields or terrains sa ibat-ibang dimensional planes. Dahil dito, mas lalong nakilala ang Headmaster bilang "Father of Dimensions".

Tamang-tama rin ang weirdness niya rito sa Sierra sa totoo lang. Para i-compensate ang kakulangan sa space dahil nga sa located dito sa taas ng bundok ang Sierra ay wala kang makikitang battle domes hindi tulad sa Emerald bukod sa mga open grounds. Kaya naman ang Headmaster na mismo ang umisip ng paraan para mabigyan ng solution ang problema na 'yun sa pamamagitan ng pagbuo ng mga dimensions para maging terrains o battlefields.

Nabalik ang atensyon ko sa Headmaster nang magsalita na ito.

"Out of more than half a thousand who tried to become one of the red clad of the North, only about one hundred were lucky and were given the opportunity to get in here at the Sierra Magical Institute. So for that, I want you to give yourselves a round of applause first for making it in here, my new children!"

Lahat kami pumalakpak pati siya at ang mga professor sa likuran niya.

"You all went through our hard and strict examinations and evaluations. Carefully selected every skill and potential that you all have and here you are now in front of me, you were all able to pass the first test here in Sierra. Honestly, after I saw the final list of this year's batch of freshmen, I told my trusted professors here that this is the batch that had impressed me in terms of intellectual and magical prowess."

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now