11 | Weekly Joined Camp Activity •

437 35 22
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Weekly Joined Camp Activity ||

'AUGUST'

Medyo hilo pa ako at parang nasusuka nang bumangon ako mula sa pagkakadapa. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari basta ay bigla na lamang akong nakaramdam ng hilo kanina tapos parang hinigop ang katawan ko pababa.

May ilang din akong naririnig sa paligid na tulad ko ay dumadaing din sa pagkahilo. Una ko ngang nakita ay si Lexus na nakadapa na parang palaka sa damuhan.

"A-argh! W-what the– What the freaking hell!?"

"Ayos ka lang, P're?" tanong ko rito habang tinutulungan siyang tumayo pero nang makita ko si Angel sa 'di kalayuan ay binitiwan ko kaagad si Lexus.

Bumagsak siya ulit padapa sa damuhan.

"Ahh! Gago ka, P're! Uunahin mo pa talaga kalandian mo? Agosto!" sigaw niya. Hindi ko na lang muna pinansin.

Dali-dali akong lumapit kay Angel na nakadapa rin sa damuhan, tulad ng lahat ay nakahawak din siya sa ulo niya at dumadaing.

"Angel?! Angel, okay ka lang?"

Inalalayan ko itong bumangon at pasimpleng niyapos. Ngiting tagumpay naman ako dahil kumapit din ito sa leeg ko.

'Heaven! Heaven! Heaven!'

"W-what happened? Where are we?" tanong niya. Hilong-hilo pa ito at halata 'yun sa kaniya dahil hindi niya pa rin napapansin na magkayakap na kami.

'Kung anong vortex o force ka man na humigop sa aminhigupin mo ulit kami! Dali na!!'

"Ahh hindi ko alam eh. Don't worry, nasa tabi kita no one's gonna hurt you," sagot ko habang hinahaplos-haplos ang ulo niya.

Naputol lang ang pagbubunyi ko sa pagkakayapos namin ni Angel nang dumating sila Rie kasama ang iba pa naming mga kaklase.

"Guys, are you okay?" tanong nito sa amin saka inalalayan si Angel.

"Rie naman. Panira ka eh." Disappointed kong bulong sa kaniya.

"It's much better na napaghiwalay na kayo before pa bumaba hilo nito. Mamaya niyan ay magka-part two pa ang eksena ninyo sa hallway kaninang umaga," bulong din nito sabay shake sa katawan ng kaibigan.

"Wake up, Friendship! Wake up! Who did this to you? Tell me. Who did this heinousness to you!? My poor dear Friendship!!"

Habang nag-d-drama si Rie at abala ang buong Class namin sa panonood sa kabaliwan ng Class Pres namin ay sinaglit ko naman ng tingin kung nasaan nga ba kami. Ngayon ko lang nagawang alamin kung ano ang nangyari matapos kaming makaramdam ng kung ano kanina.

Madilim ang buong paligid at para kaming nasa pusod ng gubat. Nasa malaking open ground kami at kitang-kita sa itaas ang bilog na bilog na blue moon. Ito lang ang source ng liwanag sa paligid, sapat naman na para magbigay ng liwanag.

Lumapit sa akin si Pareng Brione na hindi ko alam kung saan galing, nasa likuran niya lang si Lexus na nagpapagpag pa ng damo na kumapit sa hubad niyang katawan.

"We're in the middle of nowhere and we're not just us. Look," sabi ni Brione sabay turo sa iba pang mga estudyante sa paligid.

"Wait. Mga upper years ba ang mga 'yun?" Turo naman ni Lexus sa ibang direksyon. Tama nga siya. Mga juniors and sophomore nga ang mga 'yun.

Ang lahat ay nagtataka rin habang pinagmamasdan ang buong paligid. May ilan din na bumabangon pa lang at halos lahat sa amin ay nakapantulog na. Takang taka kami sa nangyayari pero wala naman kaming makuhanan ng sagot dahil pare-pareho lang din naman kaming lahat na naguguluhan liban sa upper years na mukhang may idea na sa nangyayari o mangyayari.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now