69 | Drifting Back

126 11 2
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Drifting Back ||


'AUGUST'

Magkakasunod na tapik sa braso ang gumising sa akin. Lukot ang mukha nang dahan-dahan kong buksan ang mga mata ko at tapunan siya ng tingin.

"Where here. Let's go," sabi niya. Sinuot niya ang itim na sumbrero niya bago lumabas ng sasakyan.

Nag-inat-inat muna ako ng katawan, ginigising ang diwa ko bago sumunod sa kaniya.

"Hurry up, August!"

"Oo na, ito na nga! Taeng-tae ka," sagot ko rito habang sinusuot ang sarili kong sumbrero. Tinignan niya lang ako at umiling.

Tahimik naming nilakad ang elevator papasok ng hospital. Wala kaming kibuan na dalawa sa loob hanggang sa tumigil ang elevator sa 17th floor.

Nauna siyang lumabas at nakapamulsang sumunod lang naman ako sa kaniya. Tulad pa rin ng huling dalaw namin dito, may isang nurse na sumalubong sa amin at hinatid kami papunta sa room niya.

Pagdating doon ay nauna siyang pumasok na sinundan ko naman. Ang 'di ko lang ine-expect ay hindi lang pala kami ang tao rito.

"Ms Lena," rinig ko na lang na bati ni Aaron sa nakaputing babae na nakatayo ngayon sa gilid ng hospital bed ni Kuya Bastian.

Nakangiting humarap naman siya sa amin at nakipag-kamay kay Aaron. Binalingan niya rin ako ng tingin at nginitian.

"Nice to see you again, August. Kamusta?" malamyos na bati ng nag-iisang rosas ng mga Lena at matalik na kaibigan nila Ike Lunaria, si Faye Lena.

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at tango. "Ayos naman po. Si Kuya Bastian po, kamusta na siya?"

Sa tanong ko, sabay-sabay na bumalik ang mga mata namin sa taong nakaratay pa rin sa hospital bed. Tulad pa rin noong huling bisita namin, wala pa rin itong malay.

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Ms Lena bago siya nagsalita.

"As you can see, he still has no signs of regaining consciousness. All of us who looked at him expected this, especially since the dark magic on his body lasted for several hours before we were able to cleanse it," sagot niya, ang mata ay na kay Kuya Bastian lang na mukhang natutulog.

"But don't worry because he is being monitored here 24/7. For now, all we can do is hope that he wakes up and hope that when he wakes up, he won't suffer from any serious side-effects of the dark magic soaked into his body him."

Napangisi na lang ako habang pinagmamasdan siya. Mukha nga lang talaga siyang natutulog kundi lang sa ilang maiitim na patches sa bandang leeg niya na alam kong meron din hanggang sa dibdib niya kung 'di lang ito balot ng benda.

Kapag nagbalik na ang malay niya, tiyak magwawala siya na hindi na siya gwapo tignan. Maarte pa naman siya sa balat.

Si Ms Faye Lena ay ilan lang sa mga mahuhusay at ekspertong healer na tinawag para isalba ang buhay ni Kuya Bastian noong isinugod siya dito sa Manila.

Dito na siya dinala dahil mas advanced ang medical facilities nila rito. Mas matitignan siya ng maayos dito. Buong team niya nga at maging ako ang pinakaba niya. Dalawang araw matapos siyang idala rito ay bigla raw siyang nag-flat line.

Gustong-gusto kong pumunta dito kaagad noong narinig ko 'yun nang magising ako sa hospital. Kung 'di lang ako pinigilan nila Rie at ng mga doctor baka nagbyahe na ako kaagad para lang puntahan siya.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن