62 | Host Versus Kincaid 1 •

181 11 2
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Host Versus Kincaid 1 ||

'AUGUST'

"Leave now, you two," sabi niya bago muling humarap sa akin. "Let the two of us talk for a while."

Nagkatinginan lang ang dalawa sa likuran niya bago sila tumango at biglang nawala na parang mga bula.

Hmp! Mukhang malaki ang tiwala nila sa gagong ito.

Ngumiti siya at pinagpagan ang sarili. Maya-maya pa ay napansin kong wala ng crimson mist na lumalabas sa katawan niya.

Sandali, ano 'yun? Hindi na siya affected ng Essence Theft ko? Imposible! Kahit si Ike Lunaria na Prime Elemental hindi kayang i-null ang weirdness ko!

"Ability to steal the strength and energy of others. There is nothing specified in the Dark Grimoire that the Abyssal Heart can do such things so I think it is yours. Your so-called weirdness, am I right, Host?" tanong ng gago na walang nakuhang sagot.

Ayaw ko mang aminin pero sasang-ayon muna ako sa gagong demonyong boses lang ang puhunan.

Masked ako ngayon para itago ang identity ko. Kailangan kong mag-ingat sa mga sasabihin ko at 'wag magbigay ng anomang impormasyon na maaari nilang magamit para malaman kung sino ako.

Napailing-iling siya at natawa. "Hmm. Masked and cautious. Clever. Very clever."

Muli niyang ginala ang mata sa paligid at nagulat na lang ako nang kumuha siya ng mist sa paligid na parang wala lang. Pinaglaruan niya ang mist sa ibabaw ng palad niya na parang napapasunod niya ito.

"I first witnessed this power almost two months ago when you encountered a Villain downtown," anito, ang atensyon niya ay nasa mist lang sa palad niya.

"I walked through time to go back to what happened in hope that we would finally meet you. But like today—" Sinara niya ang palad niya at dinurog ang mist na parang pulbos.

"You were masked and protected by our very heart."

Nang humarap siya sa akin, ibinalik na naman niya ang ngisi na parang ang dami niyang alam. Ngisi na parang kampanteng-kampante siya sa sitwasyong ito at parang nasa palad niya lang ako.

"But I must say, kahit na hindi namin nakita ang pagkakakilanlan mo ay na-entertain naman ako kahit papaano sa mga nakita ko. I saw how you fight. I saw how you use this power of yours and I also witnessed how you stole the soul and power of the Villain you faced." Dumilim ang mukha niya. Mas lalong lumawak ang ngiti niya at dumipa sa hangin.

"I saw everything, Host! Ang lahat-lahat maging ang pagbalik mo sa buhay ng taong magiging isa sa mitsa ng pagbagsak mo kapalit ng kaluluwa ng Villain na ninakawan mo. Sa ginawa mong 'yun, you just proved that you don't fit in this modern society of superhumans but in us."

Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita at narinig na rebelasyon mula sa kaniya. Hindi ko napigilang umatras habang pinapanood siyang tumawa na parang baliw.

N-nakita niya. Nakita niya ang lahat kahit 'yun. Nakita niya!

Pero hindi ko— wala akong alam. Hindi ko rin ginusto 'yun! Kung hindi ko ginawa 'yun, si Angel... mamamatay siya, mawawala siya sa akin at hindi ko gusto 'yun!

Dalawang boses ang naririnig kong tumatawa sa akin ngayon. Si Kincaid at ang Abyssal Heart. At tangna lang talaga dahil hindi ako makabawi hanggang ngayon.

"Nasaan na ang tapang at kayabangan mo ngayon, August Rivero? Sinabi ko naman sa'yo, hindi mo kilala ang mga kalaban mo!" buyo ng Abyssal Heart at muling nakisabay sa pagtawa ni Kincaid.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Kde žijí příběhy. Začni objevovat