44 | Practical Examination •

196 18 54
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Practical Examination ||

'AUGUST'

Four na nang hapon noong ipatawag ang buong class namin para sa schedule namin ng practical exam na gaganapin nga sa Arena sa loob ng Sierra's Sphere.

Bawat isa sa amin ay suot na ang red and silver combat uniform namin at bukod doon, suot na rin ng bawat isa ang hindi maitagong excitement.

Habang naglalakad papuntang open field kung saan sure na naghihintay na si Prof Ayumu, kaniya-kaniyang kulitan at kwentuhan ang mga mahihinang nilalang patungkol sa magaganap na practical exam mamaya.

"Excited na akong mandurog ng mga taong-bakal! O kaya ay kayo mismo. Kung one-on-one, team fight, or royal rumble man ang mangyari mamaya, siguraduhin niyo lang na bigyan niyo ako ng magandang laban, mga mahihinang nilalang dahil sisiguraduhin kong hindi matatapos ang araw na ito na walang gumagapang sa inyo palayo sa akin dahil naubusan na ng lakas! Kahit magtulong-tulong pa kayo eh!" sigaw ko na umani ng samu't saring reaction mula sa kanila. May mga natawa na lang, may mga violent reaction, at may mga sumabay na lang sa trip ko.

"But of course, we won't let you rule the whole battlefield later, Boss August!" pakli ni Andrei. "Hindi naman kami naupo lang ng one month para lang magpa-api sa Essence Theft mo, 'di ba, guys!?"

Chorus namang sumagot ang lahat ng, "YES!"

"And 'wag ka ngang mag-feeling super mighty riyan, Agosto!" Irap ni Rie sa akin na tumigil pa talaga para lang tarayan ako.

"Yes, rare and very powerful ang weirdness mo but don't forget na hindi lang ikaw ang oh so powerful sa class na ito, 'no!"

"Agree! Pretty ka na talaga, class pres!" ngising sabi ni Laser.

"I know right!" Hair flip ni Rie. "So I'm sorry to burst your bubbles but I think hindi makatarungan na mag-feeling oh so powerful all by yourself! Just like what I've said before, hindi na kami ang dating classmates mo dahil marami na rin kaming improvements!"

Palakpakan naman silang lahat dahil for the first time ay may sense raw na pinagdadaldal ni Rie. Talagang pinapamukha sa akin na pinagkakaisahan nila ako.

Kung ibang araw lang ito, baka sinindak ko na sila at isa-isang kinuhanan ng energy pero dahil buhay na buhay ang dugo ko at hindi pa rin nawawala ang sayang nararamdaman ko, hinayaan ko na lang sila at tumawa na lang.

'Pasalamat sila at good mood na ulit ako ngayon!'

"I don't know if I've said this before or maybe this is the first but... I'm so proud of you, class press. I agree sa lahat ng sinabi mo," sabi ni Nathalia na naka-thumbs up pa habang sinusuklay ang hair alloy niya.

"So if you wish for an intense fight later, Boss August, mag-pray ka na ang makalaban mo ay si Amber or maybe Lexus, Brione, Theresa, Elixir, or Prixeliz. They are the ones who I think can give you the fight that you want. Kung may one versus one nga mamaya," komento naman ni Joy na lakas-loob pa talagang nag-name drop.

"Uhm, b-bakit naman nasama pa ako, Joy?" Nahihiya namang tanong ni Theresa. "I'm not as strong as you think. I'm still not used to using my Light Weirdness."

Automatic na tumingin kami kay Rie na biglang tumirik ang mata. Ganyan na iyan, kapag maririnig ang mahinhin at malamyos na boses ni Theresa titirik na kaagad mata niya.

Pero maya-maya ay tinapik siya ni Rie sa braso. "Choosy ka pa? Buti nga ikaw na-mention nitong si Joy to the world, samantalang ako na 'di lang oh so graceful and powerful kundi oh so pretty rin, hindi! Palit na lang tayo ng weirdness. Ikaw na maging Bubble Modification Weirdo at ako naman ang Light Weirdo. Dali. Go!"

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ