26 | Villain Attack •

227 24 7
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Villain Attack ||

'AUGUST'

Sigawan ng mga taong nag-pa-panic at nagkakagulo ang maririnig sa buong mall. Patuloy pa rin ang pagyanig ng lupa na sinusundan ng mga pagsabog pero 'di katulad kanina ay medyo mahina na ang mga 'yun.

"Villains!" sigaw ni Aaron.

Dali-dali niyang sinuot ang sapatos niya saka ito tumakbo papunta sa salaming bintana ng mall at binasag niya ito gamit ang isang spell.

Nagulat pa ako nang walang pag-aalinlangan siyang tumalon doon pababa.

Hinabol ko siya at sinilip. May limang palapag din itong floor na tinalon niya pero ligtas naman siyang nakalapag sa baba. Ginawa niya kasing buhangin ang kaniyang sarili.

Elemental Body Disintegration.

"Aaron!" Tawag ko sa kaniya. Tumingala naman siya sa akin.

"Lumabas ka na riyan at lumayo rito! May Villain attack!" sabi naman niya.

Pero sa halip na sumunod sa inutos niya ay napasigaw na lang siya nang tumalon din ako sa salaming binasag niya.

Wala naman akong kaba na nararamdaman sa kagaguhang ginawa ko. Hindi naman ako magpapakamatay eh. Sadyang alam ko na ang gagawin.

"WHAT THE–" sigaw niya nang bumulusok na ako pababa.

Sumigaw din ako. "SALUHIN MO AKO! KUPAL!"

'Yun talaga ang plano ko. Papasalo ako sa kaniya at alam ko naman na gagawin niya 'yun.

Ikinumpas nga niya ang kamay niya pataas at naglabas ng buhangin. Umangat ito at nag-hugis kamay na sumalo sa akin. Dahan-dahan akong binaba nito.

Nang maibaba ako ay isang malakas na kutos sa ulo ko ang binigay niya.

"Aray! Tangna!" sigaw ko sa sakit. Napaupo pa ako hawak ang ulo ko.

"What the hell did you just do, August?! Are you out of your mind!?" singhal niya sa akin.

Tumayo ako hawak pa rin ng ulo ko na kinutos niya saka humarap sa kaniya.

"Ikaw ang out of your mind! Iiwan mo na lang ako roon tapos tatalon ka pa sa bintana na may five floor ang taas!?" sigaw ko rin sa kaniya.

"Because I have to do my job!" sigaw niya pabalik. "Jumping to the fifth floor of that building is the fastest way for me to get out and respond immediately to the ongoing Villain attack. Saka kaya ko ang sarili ko. Ikaw! Why did you jump? What if I didn't catch you!?"

Napakamot-ulo na lang ako sa pagkayamot sa kupal na ito. Nagsisimula na naman kasi siya eh!

"Para sumunod sa'yo syempre! Saka alam kong sasaluhin mo ako. Kung hindi naman ay may plan B ako!" sagot ko sa kaniya saka ako tumakbo palayo.

"Hey! Where do you think you're going?" tanong niya.

Tumigil ako sandali at nababanas nang lumingon sa kaniya.

"Doon sa kaguluhan! Akala ko ba kaya ka tumalon sa bintana para mabilis kang makaresponde!? Eh dakdak ka nang dakdak diyan eh! Kumilos ka na lang!" sagot ko bago ako muling tumakbo.

Pero hindi pa ako nakakalayo ay biglang may gumapang na buhangin sa binti ko. Pinigil na naman ako nito sa pagkilos tulad ng kanina sa quarters nila pero itong ngayon ay tuloy-tuloy lang sa paggapang sa akin hanggang sa buong katawan ko na ang nakabalot. Leeg at ulo ko na lang ang natitira.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz