Between Us 48

92 4 0
                                    

Between Us 48

 

~Megan's POV

Because it was summer. Pumunta kami nina Arjay, Tiffany even the boy band Befour Four at isinama na rin namin sina Cara at Chris para mag-enjoy din sila. Si Arjay naman ang nagda-drive kanina.

            Nang makarating naman kami doon ay naghanap naman kami ng cottage doon at doon namin pinaglalagay ang mga gamit namin. Naka-dress lang din ako pero pang-beach naman ang style nito at comfy lang tingnan. Hindi naman ito pang-alis dahil mukhang pangbahay pa nga ang datingan eh. Ang gwapo lang din ni Johannes sa kanyang light blue sando at beach short. Kitang kita ko tuloy 'yong muscles niya at ang sarap hagkan no'n.

            Naku, Megan, lumalandi ka na!

            Dahil bilang online sensation na naman ako ngayong araw at bago umalis bukas sina Johannes ay ginrab ko na ang chance na gumawa ng music video kasi may nagawa na naman ako dati na kanta kaso hindi ko pa na-i-u-upload dahil gusto ko may music video iyon at ito na ang right time for that!

            "Ngayon na ba natin gagawin ang music video mo?" tanong naman ni Blaze sa akin na naka-shorts lang at alam ko ngayon na naglalaway na si Cara dahil naka-boxer lang din ito.

            "Kung pwede na naman kayo why not? Mabilisan lang din naman iyon."

            "Sure para mamaya makapag-enjoy na tayo!" ani Tiff. "Atsaka ma-enjoy ni Megan si Johannes.

            "Hoy anong enjoy ka diyan!" saway ko naman sa kanya dahil kung ano ano na naman pinagsasabi. "Mahahimik ka nga diyan!"

            Napangisi naman si Johannes, "So you want me to taste, Megan.

            "Johannes!" pinalo ko naman siya sa balikat niya.

            Napuno naman kami nga kantyawan kaya in the end ay nagprepare na rin naman kami at iyon naman ay nagsimula na kami. Nang sa part na nasa tubigan kami ay muntik pa akong itulak ni Johannes pero mabuti na lang ay nasalo niya din ako bigla.

            Enjoy na enjoy naman namin 'yong paggawa ng music video dahil parang naglalaro na lang din naman kami at ng isang oras ng matapos namin ang music video ko.

            "Oh oh oh

            Don't let it go oh oh

            Just kiss me slow oh oh

            Whoa oh oh wish it was summer forever"

            Niyakap naman ako ni Johannes after naming ma-shot ang huling scene. At hindi naman niya ako pinakawalan sa mahigpit niyang yakap at nabigla na lamang kami ng itulak kami ng mga kabanda nito papunta sa tabing dagat at nabasa na kami ng tuluyan.

            Halos mapako din ang tingin ko ng unti unting tinanggal ni Johannes ang kanyang sando at nang ayusin naman niya ang kanyang buhok ay isang salita lang ang naisip ko, HOT! Ang hot hot ni Johannes, hindi ko in-expect na ang perfect ng build up ng katawan niya at nang bigla naman siyang tumingin sa akin ay binuhat ako nito na parang bagong kasal.

            Pumapalag naman ako sa kanya pero ayaw niya akong pigilan hanggat sa mapunta naman kami sa cottage namin.

            "Ano ayos ba?" ngisi pa nito sa akin.

            Shete lang! Hindi ko matingnan ng maayos si Johannes. 'Yong feels ko hindi ko mapigilan. Ganito na ba pakiramdam ng inlove? May pagnanasa na rin? Noo! Please, ano na bang nangyayari sa akin.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now