Star 21

88 5 1
                                    

Star 21

 

Bakit ko nga ba inaalala 'yong times na iniwasan niya ako? No, Megan. Mas maganda nga 'yon para makapag-focus ka sa career mo and nothing to worry about him at alam mo naman na wala naman siya sayo noon diba kaya ngayon, 'wag mo siyang isipin dahil ano ko nga ba siya ngayon? Wala naman diba? He helps me, 'yon lang 'yon at wala nang sunod na nangyari pero bakit parang nasaktan ako ng iwasan niya ako no'ng tinawag ko ang pangalan niya?

            How come with that?

            Nai-kwento ko na rin kina Arjay at Tiffany ang nangyari sa akin even kina Mom at Dad. Natakot pa sila sa nangyari sa akin but then, no'ng sinabi ko naman na niligtas ako ni Johannes ay nakampante na agad sila, alam mo 'yong feeling na bigla daw dumating si Superman at iligtas ang kanyang Miss Lane. Gano'n daw ang feel nila sa akin pero syempre natakot pa rin sila sa akin, mabuti na nga lang nahuli na ang gumawa sa akin no'n.

            Thank God pa rin.

            "Sa susunod kasi magpahatid ka na lang." nguso pa ni Tiffany sa akin. "Paano na lang kaya kung mas may nalala pang nangyari sayo diba?"

            Napabuntong hininga naman ako sa pagiging over protective niya. "Tiff, okay na ako. I've said to you naman 'yong nangyari diba? Safe na naman ako, magkakaroon na rin naman dawn g investigation sa mga taxi na lumilibot dito sa atin. So nothing to worry about."

            "Okay." Tipid na nitong sagot sa akin. Ang haba haba ng paliwanag ko sa kanya ang ikli ng sagot. Anak ng putspa.

            It ends up na sumakay pa rin kaming tatlo ng taxi dahil wala namang dumadaan na trike or jeep sa ganitong mga oras kaya taxi talaga kami. Saka tatlo naman kami, walang kawala si manong driver kung anong gawin niya sa amin.

            Tuesday ngayon, i-re-record naman namin ngayon 'yong collaboration naming tatlo.

            Ilang saglit lang din naman ay nakarating kami sa GNV. Kinakabahan na naman ako, hindi na naman kami late o kung ano. Dahil kilala na rin naman kami ng body guard ay nagpatuloy na lang din naman kami papasok at tumuloy doon sa elevator. Habang hinihintay namin na bumukas ang elevator ay naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Kung paano ipinapaliwanag ni Johannnes ang nangyari sa akin kahapon kay Ched. Parang knight in shining armour lang ang datingan niya para sa akin.

            He's truly a life saver.

            Nang bumukas naman ang elevator nang palabas na kaming tatlo na nang iangat ko ang ulo ko ay bumungad sa akin si Johannes. Nagulat din ito ng makita ito kaya naman nginitian ko na lang siya pero agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin at tuluyan pumasok sa loob ng elevator. Nang nasa labas naman kami ay nilingon ko siya, nakaiwas lang siya sa akin.

            Hinigit din naman agad ako ni Tiff kaya bumalik ang atensyon ko sa dinadaanan namin.

            "Oy, ano ba! Nililingon mo pa, di ka na nga pinansin." Ani Tiff.

            Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa sinabi niya kaya wala rin akong naisagot sa kanya. Natuloy na lang din naman kaming tatlo kung saan ang recording room. Ano kayang nangyari doon kay Johannes? Sinabi kaya ni Blaze 'yong thank you ko for Johannes? Sana naman sinabi niya.

            Nang makapasok naman kami sa loob ng recording room ay sakto naman na wala pa si Ched kaya kaming apat pa lamang ang nandito ngayon sa loob. Kaming tatlo kasama si Mike.

            "Wala pa si Ched?" tanong naman ni Arjay sa kanya.

            Mike shook his head, "Wala pa bro eh, mamaya pa ata."

Between Me and the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon