Sensation 34

79 2 0
                                    

Sensation 34

 

~Megan's POV

"Good job, Lauren!" saka inakbayan pa ako ni Lord Ever. Magkasama kami sa isang tour at mabilis na nai-launch ang first album ko na lahat ay ako ang sumulat. Ang sarap lang sa feeling dahil may mga taong sumusuporta sa iyo at may mga kaibigan ka na tinutulungan ka rin hindi 'yong kinukumpitensya ka pa.

            Natapos ang tour namin ngayon so bale next week na ulit ang tour namin. Actually, guest lang nila ako sa concert nito at syempre nagpo-promote na rin ako ng album na kinuha muna sa pangalan ko na Lauren at hindi ko naman akalain na in just days lang ay maso-sold out sa iba't ibang record bars or stores ang album ko na iyon kaya panibagong success na naman ang nakuha ko sa sarili ko.

            Tumuloy na rin naman ako sa backstage papunta sa dressing room ko. Naupo naman ako sa upuan doon at kinuha ang cellphone ko at nag-picture sa tapat ng salamin at pinost sa bagong account ko sa IG at may caption na, 'Tour done! See you next week, I love you all!' at ilang saglit lang din ay may nagcomment doon at nagmumula 'yon kay Tiffany.

            TiffanyAlford: Hey, Megan, I miss you so much.

            Napataas na lang ako ng kilay sa comment niyang iyon at saka ko binura. Ayokong makakita ng mga ganyan sa kung saang social accounts, at kung hindi naman nila ako tatantanan ay bina-block ko na lang sila.

            1 week lang nang mai-launch ako bilang Lauren Schnittka ay may album na kaagad ako. Ngayon ay iingatan ko ang career, ngayon mas magiging handa ako sa mga issue na ibabato nila sa akin, magiging palaban ako sa kanila. Sa isang buwan na pananahimik ko, lahat ng sakit at pagdaramdam ko namuo lahat ng iyon at ngayon isa isa na silang lumalabas sa akin. Ang mga sakit ay tuluyan ko ng pinapakawalan sa sarili ko, ang pagbabalik ko tuluyan ko ng nakukuha.

            Tho ang dami kong haters dahil hindi na daw ako 'yong Megan na nakilala nila noon syempre bakit ko pa ipapakita sa kanila 'yong mahina at pa-sweet na Megan kung nandito na rin naman si Lauren na palaban at heartstoned.

            Oo alam kong madaming nagbago sa sarili dahil pinilit kong lumayo sa kung ano ako dati. Dahil ayokong makita nila sa pagbabalik ko, maging talunan na naman ako na pwede nilang batuhin at sabuyan ng mga kung anong bagay sa harap ng mga madaming tao. At kapag naaalala ko 'yong pangyayaring 'yon naiiyak lang ako. Hindi ko mapigilan ang sarili na damdamin ang lahat ng iyon dahil bigla na lang gumuho ang lahat ng pinaghirapan ko.

            If Johannes, did all of this, he will paid for this at kung reason niya 'yong paniniwala ko sa kanya na may boyfriend ako, ang babaw naman niyang tao para gantihan ako ng gano'n. Ibang klase siya. Hindi niya alam kung anong buhay ang sinira niya sa akin kaya ngayon hinding hindi ko siya makalimutan dahil sa ginawa niya sa akin.

            At noon naman, sinabi ko na sa sarili ko na ayaw kong mapalapit sa kanya pero siya itong gumagawa ng paraan para lumapit sa akin at napapansin ko 'yon kaya sinabi ko na boyfriend ko si Theo at hindi ko naman akalain na dadamdamin niya pala iyon at doon na nagsimula ang lahat.

            Ngayon na ako naman ang na-agrabyado ni Johannes, magbabawian lang kami. Kung anong nasa pagitan namin, masisira 'yon at siya ang babagsak.

            Natigil lamang ako sa pagtitingin ng phone ko nang may kumatok sa pinto ng dressing room ko at sinabi ko naman na bukas iyon pero hindi pumapasok kaya sinigawan ko na na pumasok pero katok lang ng katok ito. Kaya nabanas na ako at tumayo para pagbuksan ang isang iyon at nang buksan ko naman iyon ay bumungad sa akin si Tiffany at Arjay.

Between Me and the StarDove le storie prendono vita. Scoprilo ora