Star 20

99 4 0
                                    

Star 20

 

~Megan's POV

"Okay, Megan, mag-ready ka na and you're next." Utos naman sa akin ni Ched.

            Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung bakit sinundan ko rin ng tingin palabas si Johannes at inaasahan na lilingon siya pabalik sa akin pero hindi. Hindi ko rin nagawang mag-thank you sa kanya dahil nahihiya na rin ako sa kanya. Pero hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi siya dumating, kung ano na nangyari sa akin. But in the help of Johannes, he saves me.

            "Megan!" sigaw muli sa akin ni Ched sa busy na sa pag-aasikaso doon.

            "Opo! Ito na po!" mabilis naman akong naupo at muli kong binasa ang lyrics ko.

            Napansin ko rin naman na ang mga kasama ko ngayon ay mga friendly din naman. Tulad ngayon na nakasalang si Christina for her recording at si Kurt naman ay busy sa pagkanta niya, nakapikit pa ang mga mata niya habang may nakasapak na headphone sa tenga niya.

            Nang minulat naman niya ang mata niya ay doon lang niya ako napansin na nandito na pala ako. Bumungad kaagad sa mga labi niya ang mga ngiti at inalis ang headphone sa kanyang tenga.

            "Nandiyan ka na pala, Megan." Aniya.

            "Oo, kakarating ko lang." sagot ko pa sa kanta. Napatingin naman ito sa kanyang orasan at alam ko na kung anong sasabihin niya sa akin. "Mahabang kwento, Kurt ang mahalaga nandito ako ngayon."

            "Ah, glad you're here nga." Aniya saka bumalik sa pakikinig niya sa headphone niya at kung ano man 'yong pinapakinggan niya.

            Napangiti na lamang ako. Ang boring talaga kapag wala kang kasama dahil hindi mo ma-e-enjoy ang company ng bawat isa dahil lahat naman ay busy sa kanyang mga gawain. Lalo na't pinaulit ulit pa ni Ched si Christina dahil nagkakamali ito sa ilang tono kaya ayon, nakakasawa kahit hindi ko naman naririnig dito sa kinauupuan ko dahil nasa loob mismo si Christina at kami lang ito nakatanaw sa kanya sa transparent na salamin.

            Kinuha ko na lamang din ang phone ko dahil may nag-text at si Tiffany iyon.

            "Girl! Kamusta ang recording?"

            Nagreply naman kaagad ako, "Ito late ako dumating, may nangyari kasi sa akin eh pero don't worry okay na ako, tinulungan naman ako ni Johannes at ang recording ko? Hinihintay ko na lang ang turn ko na masalang sa sa pagrerecord."

            At mga ilang minuto ay nagtext back naman ito sa akin. "Wtf? Megan? Ayos ka na ba? Sure ka? Hindi kita matawagan ngayon kasi naka-unlitext lang ako. Ano what happened?"

            Napangiti na lang din naman ako sa text ni Tiffany. Habang binabasa ko ang mga salitang iyon parang naririnig ko naman ang boses ni Tiffany sa loob ng utak ko at sinasabi niya 'yon ng way na natataranta siya. Kasi kahit gano'n naman 'yon sa akin, lagi niya akong binabara, magakapatid na ang turingan namin sa isa't isa eh, sabi pa niya nga noon sa akin, mas mukha pa daw niya akong kapatid kaysa kay Iris na kapatid niya.

            I replied naman. "Mahabang kwento Tiffany, kapag nagkita na lang tayo. Doon ko na lang iku-kwento sayo. And sabi ko nga, ayos na ako. Johannes help me okay? Nothing to worry. J." with smile pa ang reply ko sa kanya.

            And after a few minutes. "Mabuti kung gano'n, sige, goodluck na lang muna sa recording mo!"

            Nang ibaling ko naman ang atensyon ko sa recording ay napansin ko na lumabas na rin naman si Christina at tuwang-tuwa pa ito.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now