Star 17

109 5 0
                                    

Star 17

 

~Megan's POV

 Comfy blue and white dress for this day. Ngayon na rin kasi ang meeting namin ng mga various sensations for the compilation of our album na mai-i-release hopefully sa market as soon as matapos namin. Syempre, kasama ko na naman 'yong dalawa at dahil nga pasok kaming tatlo sa pagiging top online sensations ay isa na ito sa daan para maging mas kilala kami bilang maging sensation.

            Hindi naman namin kailangan maging artista o pumasok sa showbiz para lang mapagsigawan at maipakilala namin ang sarili namin na may talent kami na ganito, ganyan kami. Hindi ko nakikita ang sarili ko do'n. Kung sa paraang alam ko na kung saan ako nagsimula, ipagmamalaki ko dahil alam kong mas marami diyan na aspiring singers na hindi pa nakikita ang sariling talent nila. I mean, hindi pa nila alam kung anong talento nga ba ang kaya nilang gawin. It takes time to find your true self.

            Nagpaalam na ako kila mom.Wala si dad dahil nasa work siya ngayon so kay mom lang ako nagpaalam. Tuwang-tuwa pa si mom na malaman na pupunta kami ng GNV. Baka iyon na daw ang start ng career ko pero nginitian ko na lang din si mom. Johannes, offered me to be part of their industry but then I don't think I can see myself, standing on a stage on my own.

            I will decline and decline kapag tatanungin nila sa akin 'yon. Hindi ko na nga sinagot 'yong offer ni Johannes eh. So I'm happy to say that mas mahal ko ang pagiging sensation ko.

            Sa bahay nila Tiffany kami magkikita kaya doon na ako papunta. Habang naglalakad ako ay napapatingala na lamang ako sa asul na kalangitan. Ang ganda panoorin. Parang na-stuck na ang mga mata ko kakatingin sa kanila, mapapaisip ka na lang din bigla at kung ano anong formation of clouds ang mabubuo mo sa mga mapuputing ulap na iyon. Kagaya na lamang ng hugis na puso na ilang saglit lamang ay nagdeform at sumama na sa ibang ulap pa.

            Nakangiti lang ako all the time hanggat sa makarating na ako sa bahay ni Tiffany. I knocked at wala pang nagbubukas sa akin.

            "Bubuksan lang Iris!" at bumukas ang pinto. "Oh, Megan, pasok ka muna." Nakangiting bati sa akin ni Tiffany. Nang mapadaan naman kami sa sala kung nasaan ang kapatid na donyang-donya na nakahiga sa sofa ay inirapan pa ni Tiffany.

            "Ikaw ba 'yong kanina? Wow ha?" tawa ko pa.

            "Ang tamad kasi ni Iris." Aniya. "Hintayin na lang natin si Arjay."

            At mayamaya lamang din ay biglang may tumawag sa cellphone ni Tiffany. At si Arjay pala 'yon. Hindi na daw siya makakadaan sa bahay ni Tiffany dahil hinatid simahan niya 'yong kapatid niyang babae sa mall at di-diretsyo na lang daw siya sa GNV if ever. Pumayag na rin naman si Tiff, medyo naasar pa nga at sinabing paasa eh.

            "'Wag ka na magtampo kay Arjay." Hagikgik ko pa.

            Napabagsak naman ang balikat nito at mistulang umikot pa ang mga mata niya. Naiinis ba siya? Katuwa naman, Tiffany. "Kasi naman siya nagsabi na dito tayo magmi-meet, na-abala ka pa tuloy na pumunta dito." Aniya.

            I smirk. "Ano ka ba, sanay na ako pumunta dito 'no. Ilang lakaran lang naman mula sa bahay namin."

            "Basta, tara na nga." Aniya. At nagsalit pa siyang humarap sa salamin at tinali ng mabilisan ng braid ang kanyang smooth na buhok. As in, straight na straight ang buhok niya pero hindi daw siya nagpapa-rebond or something, gano'n na daw talaga 'yong buhok no'ng bata pa siya.

            Taray diba.

            Nang mapadaan naman muli kami sa sala ay kumuha ito ng unan at binato sa kanyang kapatid na si Iris.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now