Star 6

151 6 1
                                    

Star 6

 

~Megan's POV

Nang makalayo na kami kay Johannes na sobrang yabang at akala mo master ay naku kaasar! Nakipagsiksikan na rin kami sa dami ng tao sa paligid, mamayang 2 AM pa daw matatapos ang event na 'to according sa mga naririnig ko sa paligid kaya baka ay maaga naman kami makauwi ngayon pero kailangan ko munang mahanap itong mga kaibigan ko. Leche kasi, kung saan saan na napunta. Sorry naman na nagsaya rin ako, hindi ko namalayan na nadala na ako ng sobrang dami ng tao at nawalay sa kanila. Ayan tuloy hirap na hirap akong hanapin sila, sa dami ba naman ng mukha sa paligid hindi mo rin maikakaila na siya na 'yon pero mali.

            "Nasaan ba talaga sila?" takang tanong pa ni Theo sa akin dahil kanina pa kami ikot ng ikot. Hindi naman siya naaasar sakin dahil kung hindi man daw namin makita sina Tiff ay siya na lang maghahatid sa akin. Sweet diba? Naku, baka ma-fall na ako sa kanya.

            "Nandito lang sila kanina eh," lingon ko pa sa paligid. "Dito kami nakapuwesto kanina no'ng malayo ako sa kanila." Dagdag ko pa sa kanya. Tandang-tanda ko rin naman na dito talaga kami nakapwesto kanina kasi nandito pa rin 'yong mga artista na nakasando at ayon, waging-wagi kung magsaya. "Okay ka lang ba Theo? Kung okay lang, ako na maghahanap sa kanila." Sabi ko pa.

            Inilingan naman niya ako, "no, it's okay. Oh, wait!" saka siya may tinuro, "that's Tiffany!" saka naman ako napalingon sa direksyon na tinuro ni Theo at nakumpirma ko nga na si Tiff iyon dahil sa suot niya. Hinigit ko naman kaagad si Theo na pumunta doon kay Tiffany na mag-isa.

            Nang makalapit naman kami sa kanya ay akala mo sabog 'tong babaeng 'to.

            Hinawakan ko naman 'to sa magkabilang balikat niya, "Tiff, ayos ka lang ba?"

            "Ay Meg!" nahinto ito sa paghe-head bang niya. "Saan ka ba galing?" napalingon naman siya sa kasama ko, "oh, if I'm not mistaken ikaw si Thor!"

            "Theo." Hagikgik pa nito.

            Napangiwi na lang si Tiff sa sinabi niya. Nilingon ko naman ang paligid niya pero hindi niya kasama si Arjay.

            "Nasaan si Arjay? Bakit hindi mo kasama?"

            "Ay oo nga 'no!" nanlaki ang mata nito at namilog pa ang bibig niya. "Nakalimutan ko." aniya.

            Napailing na lang din naman ako sa kanya.

            "Naghahanapan lang pala kayong tatlo." Tawa pa ni Theo.

            "No, dalawa lang kaming naghahanap ni Arjay, tingnan mo nga 'tong si Tiff, enjoy na enjoy!" tawa ko pa. Inirapan naman ako ni Tiff at hinatak ko na siya palayo sa crowd.

            Sinamahan pa rin naman kami ni Theo hanggat sa hindi pa namin nakikita si Arjay at ilang saglit lang din naman ay nakita namin ito na mistulang naghahanap kaya tumakbo na ako palapit sa kanya. Nagulat naman ito ng makita niya ako.

            "Oh! Nasaan si Tiff? Kasama mo ba?" pag-aalala pa nito.

            Napangisi naman ako sa kanya, "alala much?"

            "Tiff naman, she's just a friend."

            "Friend?" ngisi ko pa.

            Then he rolled his eyes and sighed, "okay, more than friends okay, but please don't tell to her okay?" aniya.

            Tinusok ko pa tagiliran nito, "naku po, inlove si Arjay!"

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now