Star 25

115 3 2
                                    

Star 25

 

Ilang araw na ang nakakalipas ng matapos ang recording namin. Ang dami kong inisiip, ang daming bumabagabag sa utak ko. Hindi ako makapagconcentrate sa kung anong gagawin ko dahil sa magsasabay ang release ng album ng Sensation at ng isang sikat na banda and specifically iyon ang Before Four.

            Natatakot kasi ako na baka kami ang maging dahilan para malugi ang kumpanya na 'yon kasi nga hindi bumenta ang album namin pero nasa iisang kumpanya lang din naman nanggagaling ang ire-release na album pero ayun nga, lugi kami dahil mas sikat ang magiging katapat namin. Hindi ko nga alam kung bakit ito 'yong iniisip ko, hindi na nga ako masyadong makakain dahil sa kakaisip no'n eh. Nakakahiya kasi na nilangaw lang ang album namin.

            Baka tama nga rin si Tiffany, kami-kami lang na mga sensation ang bumili ng mga album na 'yon. 'Yong binayad na talent fee sa amin, 'yon din ang pambibili namin. Nakakatawa kung iisipin, at ang OA ko masyado pero gano'n naman talaga ang kalakaran eh. Kung sino ang sikat, sila ang papaboran ng mga tao. Mas tatangkilikin sila kaysa sa amin na nakikita lamang sa mga internet. Kawawa kami.

            Bakit kasi nagkabasay pa maglabas ng album? O baka pinagsabay talaga nila?

            Hindi ko alam! Nakakaasar lang.

            Ngayon araw din na ito na ire-release ang compilation album namin, Tuesday, gaya nga ng sabi ni Ched, early next week ang release so ito na nga ang inaasahan namin. Todo promote na lang ang ginagawa ko sa fanpages ko at sinasabihan kong bumili sila dahil worth it 'yon at may mga ilan naman na bibili daw talaga sila meron magda-download na lang daw kasi sayang naman daw kung bibili pa.

            Wala akong magagawa do'n dahil may internet din naman pero it will be available din sa pagkakaalam ko soon sa iTunes and spotify pero syempre may bayad na ang mga iyon. So bumili na lang talaga sila ng album.

            At ngayong araw din na ito ay may guesting na kami sa isang live show ng GNV. Kinakabahan ako, present din naman kaming siyam syempre doon dahil compilation iyon ng sensations pero kinakabahan lang talaga ako sa mangyayari na naman.

            "Ano? Ready ka na ba?" tanong ni Tiffany sa akin.

            Kanina pa kasi ako nakaharap sa salamin at pinagmamasdan ko lang ang sarili kong mukha. Wala naman silang makikitang mali sa akin kung sa mukha pero alam kong hindi naman ako perpektong tao kaya wag din nila akong husgahan bigla. Wala nasabi ko lang 'yon, alam ko naman kasi kaagad ang magiging tanong ng mga host sa isag live show, pero kabahan ka na kapag intense questions na ang binato sayo.

            "Oo na tara na."

            Hinigit na ako ni Tiffany palabas ng bahay. Papasok pa lang din si Arjay ng pinto ng palabas na kami.

            "Late kasi, ayan." Pangungutya pa sa kanya ni Tiff.

            Napakamot na lang si Arjay sa ulo niya.

            Ang disente anmin ngayon dahil for the first time ay haharap kami sa camera, tho lagi naman kaming nakaharap sa camera kapag nagvi-video pero kakaiba ito dahil nationwide television naman ito ipapalabas.

            "Megan!" bago pa kami lumabas ng bahay ay tinawag ako ni dad.

            "Ano po 'yon?" tanong ko.

            "What time ba ang start ng program na 'yon?"

            "10am po pa." ani ko naman. "Sige po pa, aalis na po kami."

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now