Star 7

127 6 0
                                    

Portrayers 101:

Megan Ynez Portrayed by Megan Nicole

Tiffany Gayle Portrayed by Tiffany Alvord


Star 7

 

~Megan's POV

Naayos ko na lahat lahat para sa gagawing cover song namin ni Tiff ngayon at kanina ko pa siya tinatawagan o text man lang ay walang reply sa akin. Kaasar. Muli kong i-dinial ang number niya at out of coverage area lang ang nakukuha ko kaya sa huli ay pupuntahan ko na lang din ang babaeng iyon. Dahil sa nakabihis na rin naman ako ay nagpaalam na lang naman ako kila mom at dad na pupuntahan ko lang si Tiff sa kanila.

            Ang i-co-cover kasi naming kanta ay Who Says ni Selene Gomez. I picked it kasi nagustuhan ko lang ang meaning ng kanta. 'Wag na wag mong sasabihin na hindi ka maganda o perpekto pero sa mata ng ibang tao ay maganda ka, perpekto ka, tiwala lang ang kailangan. Sino nga naman magsasabi na hindi ka maganda diba? Nakakainsulto minsan.

            Habang naglalakad naman ako sa kaliliman ng kalangitan ay nakangiti lang ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang nawala na 'yong mga iniisip ko sa akin. Just like, Johannes, alam kong hindi na niya ako guguluhin at kahit kailan hinding-hindi ko siya haharapin dahil lang sa pagtulog ko sa concert niya. Wala na talaga sa akin 'yon.

            Nevermind the things that aren't important, unahin ko na lang ang career ko.

            Nang may mapadaan na ice cream truck ay bumili rin naman ako at may mga nakasabay pa akong ibang bata at ibang ka-age ko lang na nakilala pa ako, syempre kalapit-bahay lang din nila ako kaya normal na ako sa kanila. Hindi na nila kailangan magwala para lang makalapit sa akin. The funny thing is, nagpapapicture pa sila sa akin.

            "You're so pretty Megan, swerte ko, kapitbahay kita." Sabi ni Bill.

            Tinapik ko naman ito sa balikat niya, "ano ka ba, Bill, maliit na bagay." Tawa pa naming dalawa. "Ah, sige, mauna na ako, I have to see Tiffany."

            "Woah, magbestriend nga talaga kayo!" amaze pa nitong sabi sa akin. "Sure, Meg, see you around."        

            I smiled and continue my walk. Nakarating naman ako kila Tiff ng maubos ko na rin ang ice cream ko. Kumatok naman ako sa pinto at ilang saglit lang din naman ay pinagbuksan ako ng pinto at bumungad naman sa akin ang kapatid na bunso ni Tiff.

            "Iris, nasaan ate mo?" ngiti ko pang tanong sa kanya.

            "Nasa kwarto niya, bino-blower 'yong cellphone niya."

            Nabigla naman ako sa sinabi nito, "eh? Anong nangyari?"

            "Nalaglag sa bathtub, adik kasi." Tawa ko pa sa kanya. "Sige ate, punta ka na lang sa kwarto niya."

            I smiled. Pumunta rin naman ako sa kwarto ni Tiffany na halos gaya rin ng akin noong last time na nagpunta ako dito, parang studio rin ang datingan dahil may mic, laptop pa sa gilid. Same hobby lang talaga kami ni Tiffany kaya magkasundong-magkasundo kami.

            Kumatok naman ako sa pinto, "go away, Iris!" sigaw nito.

            Napakunot noo naman ako at sumagot, "okay, bye..." kanta ko pa sa tono ng for the first time in forever at ilang saglit lang din naman ay bumukas ang pinto at nagulat pa siya ng buksan ito.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now