Star 12

113 6 0
                                    

Star 12

 

~Megan's POV

This is the day. Mangyayari na ang annual meet-up ng mga kagaya kong online sensations. Tho hindi ko naman masyadong kilala 'yong iba pero nakikita ko naman sila kapag naliligaw na recommended videos. Siguro marami-rami rin ang na-invite doon, ang lawak lawak ba naman ng mundong iyon syempre, hindi lang mabibilang sa kamay ang mga pupunta do'n. Comfy color red dress ko. Well, karamihan kasi ng dress ko may shade of black or gray. Wala lang maganda lang din kasi pagnasuot ko na.

            Kasabay ko na papunta doon ngayon sina Tiffany at Arjay. Hindi na namin mapigilan 'yong feels namin dahil sure akong sobrang daming bagong mukha akong makakasalamuha. Tho, ang ayaw ko lang ay pupunta din doon si Manilyn dahil minsan na rin siyang sumikat sa online at isa siya sa mga makakasira ng araw ko panigurado.

            Pero hindi na lang ako didikit sa kanya. May ugaling demonyita rin 'yon eh.

            "Excited na akong makita do'n si Samuel!" kilig na kilig na sabi ni Tiffany.

            "Sino naman 'yon?" tanong sa kanya ni Arjay. Napataas kilay na lang din naman ako dahil ngayon pa lang, nakakaamoy na ako ng jelly ace. lul.

            "Syempre, kagaya rin natin 'yon, wala nga lang siya doon sa mga na-ra-rank pero he's good, napakinggan ko na kasi 'yong isa niyang cover sa facebook tapos wow, as in, nakakapanindig balahibo." Kwento pa nito.

            "So ako ba hindi gano'n?" tanong pa muli nito.

            Napakamot naman ng ulo si Tiffany, "Malayo kayo sa isa't isa okay?" aniya. "May nakita lang kasi akong potential sa kanya na magiging sikat rin siya, kagaya natin." Then she smiles, "pero mas magaling ka pa rin Arjay."

            Sumingit na rin naman ako sa kanilang dalawa. "Mamaya na nga kayong dalawa na magtalo, baka mahuli pa tayo sa event at sabihin pang pa-vip tayo."   

            "Bigbang bias mo?"

            Napakunot noo naman ako sa tanong ni Tiff sa akin. Anong pinagsasabi nito? "Huh?"

            "Wala, tanga nito." Ngisi pa niya.

            May kililing siguro ang babaeng 'to kasi this past few days, ang kalog na masyado. Baka masyado nang naapektuhan ang utak niya at umalog-alog na. Patay.

            Sumakay na rin naman kami ng taxi papunta doon sa Music Hall Museum. Hindi ko pa alam kung anong klaseng event ang mangyayari mamaya pero nafi-feel ko pa lang ngayon na isa siya sa magiging memorable experience ko sa pagiging sensation ko.

Habang nasa biyahe kami ay bumalik na naman sa isipan ko 'yong mga times na nakakasalubong ko si Johannes. Hindi ko alam kung bakit para na-attach na ako sa kanya. Wala naman akong something na parang crush gano'n? Hindi ko naman ramdam dahil I hate boy bands.

Naguguluhan lang talaga ako. The first time we met, I saw on him that he was insulted by the way I treated to his concert pero kalaunan bakit nagbago ang turing niya sa akin? I really feel uncomfortable with him.

            "Megan, baba na, ano tutunga lang?" natauhan naman ako bigla ng magsalita si Tiffany sa akin. Bumaba rin naman ako kaagad at huminga ng malalim. Masyado ko lang inaalala ang mga pangyayaring iyon.

            I shouldn't think of it anyway, mas naaalala ko lang 'yong way na pagpapahiya niya sa akin.

            "Saan na tayo?" nang lingunin ko naman ang dalawa kong kasama ay naglalakad na pala palayo sa akin. Napailing na lang ako. Ang sama talaga nitong dalawa sa akin, porket kasi may something na namumuo sa kanila na walang alam kaya ayan, iniwan na ako.

Between Me and the StarOù les histoires vivent. Découvrez maintenant