Star 5

122 6 0
                                    

Star 5

 

~Megan's POV

I had to admit it that I want to be like them, that someday the Megan Ynez they known will be popular such among the stars as in this generation but then again, I lose hope when I over thinking that I will never be like them. Yeah, I have a supporters because I'm an online sensation but there is one thing na talo kami. Kilala sila sa buong mundo, nakikita sila tapos kami, kapag may internet doon lang kami nakikilala.

            Pero kung gano'n na ang will sa akin ay hindi ko na babaguhin ko, baka nga mas lalo pa akong sumikat dahil alam kong wala naman akong nilalamangan.

            Ngayong gabi ay niyaya naman ako ni Tiff sa isang free event ng isang sikat na DJ sa concert grounds ng MOA. Though first time kong makakapunta sa isang gano'ng event at mala-club daw ang datingan no'n dahil nga daw sa DJ. Wala akong idea kung anong gagawin ko do'n, tatalon-talon ba o magwi-wiggle-wiggle? Lol, I have no idea.

            Sabi rin ni Tiff na medyo mag rock style daw ako pero bakit? Hindi ko siya sinunod kaya nagdress na lang ako na grey ang palda at may star-stars ang itaas at pink na heels. Hinihintay ko na lang din naman si Tiff na kasama si Arjay. Hindi ko alam kung may something na ba sa dalawang 'yon dahil medyo feeling ko may gusto 'to si Tiff kay Arjay then si Arjay naman parang gano'n rin. Sus, hayaan na nga lang.

            Naupo muna ako sa saglit at kumuha ng isang kapirasong papel at lapis. I'm still working on my original song kaso hindi ko naman matapos-tapos dahil wala akong mahugot na inspiration pero may tono na 'yon na lagi ko namang hina-humm kaya hindi ko nakakalimutan kaya kapag may nag-pop up sa utak kong lyrics kapag wala akong dalang papel or pagsusulutan ko, sa phone ko tina-type. Sayang 'yon, ilang segundo rin 'yon.

            Napabuntong hininga na lamang ako ng wala ni isang pumapasok sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang ako kinakabahan ng ganito. Dahil ba doon sa nangyari na concert ng Before Four? Baka. Naku, kasi naman, hindi ko alam kapag nagkita muli kami ni Johannes lalo na alam na niya na isa akong online sensation.

            Mayamaya lamang ay kumatok na sa pinto at nakita ko naman na bihis na bihis si Tiff at kasama nito si Arjay.

            "Oh my gosh, Megan?!" gulat pa nitong sabi habang tinitingnan ang suot-suot kong damit. "are you serious with that?"

            Ngitian ko na lang din naman siyan, "wala rin naman sigurong makakapansin diba?" ngisi ko pa sa kanya.

            "Bahala ka diyan." Nguso pa ni Tiff.

            "Hayaan mo, Meg, maganda ka naman magdala ng damit kaya bagay pa rin sayo." Puri naman ni Arjay sa akin. Nahiya naman ako sa sinabi niya. Sa totoo naman, binibagay ko lang din naman kung anong dapat na isuot ko, lagi rin namang nakalugay ang itim na itim kong buhok dahil madalang lang din ako magtali dahil feeling ko mas maganda ako kapag lugay lang.

            "Tara na nga!" ani Tiff.

            Naglakad na rin naman kami at pumara ng taxi papunta doon sa venue ng event. Ilang saglitan lamang ang biyahe ay nakarating na rin kami sa event pero pagkababa palang namin ng taxi ay nabigla na kami sa dami ng tao.

            "Woah! Ang dami." Sabi ni Arjay.

            Inikot ko naman ang ulo ko at makikita mo na ang iba ay todo porma na kani-kanilang damit ang iba nga lang ay naka sando lang kaya okay na pala itong suot ko na dress na hindi naman masyado ring casual. Pang-club lang din ang datingan.

Between Me and the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon