Between Us 43

72 2 0
                                    

Between Us 43

 

~Megan's POV

This is the night. Excited na excited na akong pumunta sa dinner namin ni Johannes syempre with his family. Nagsabi pa siya sa akin na susunduin niya daw ako pero tinanggihan ko na lang din siya dahil kaya ko naman pumunta doon mag-isa syempre may kotse na rin naman ako kaya hindi na hassle na pumunta sa kanila. Pero hindi naman 'yon ang problema, kailangan ko lang maging disenste sa harap nila at maging katanggap-tanggap for their family.

            Kilala ko naman ang mga magulang niya na sina Reizel at Ethan na sumikat talaga noong generation pero kahit naman ngayon ay kilalang-kilala pa rin sila isama mo na ang mga anak nila namamayagpag na rin sa mga career nila, si Johannes sa kanyang pagiging banda, si Cara naman ay may musical teleserye siya at doon siya mas nahahasa sa kanyang talent ay ang nakakabatang kapatid naman ni Johannes na si Chris ay kasali sa isang child show. I wonder kung paano sila magtunguan sa isa't isa, kaya gustong gusto ko na sila ma-meet in person dahil hindi ko mapigilan 'yong feesl ko simula kagabi ng i-invite ako ni Johannes for this night. This night will be remembered again, I hope so and good things will happen.

            Like always what Megan Ynez wear, ayun ang ipapakita ko sa kanila dahil ayoko nang bumalik sa pagiging Lauren, pero noon naman nagsusuot ako ng jeans kapag wala akong mapili sa dress ko at hindi naman black shirt kasi nga si Lauren full of hatred and revenge kaya hindi ko ipapakita sa kanila kung sino si Lauren dahil wala na siya sa akin. She will never be coming back.

            "Beautiful Megan..." napatingin naman ako sa pinto na kakapasok lamang ni Mom. "You're even more pretty with that dress I gave." She smiles.

            "Oo nga po, bagay na bagay sa akin." Above the knee lamang 'yong dress at masarap sa balat at hindi magaspang. Ang soft lang at ang genuine ng dating sa akin, feeling pretty talaga ako.

            "Alam mo ba na 'yan ang ginamit ko noong first date namin ng dad mo?" nagulat naman ako sa sinabi ni mom dahil hindi ko in-expect na matagal na palang nakatago 'to sa closet ni mom pero mukhang bago siya at bagay na bagay pa sa akin. "'Yang dress na 'yan ang nagpaniwala sa akin na may happy ending ang lahat. Na hind mo kailangan maging magara para maging presentable sa isang date o kung ano man dahil nakikita ang kagandang ng isang tao kung paano niya ito dalhin. Nakita ko 'yon sayo Megan, you wear it perfectly."

            "Mom..." niyakap ko na lang naman si mom dahil sa mga word of wisdom na sinabi niya sa akin.

            Umalis din naman ng pagkakayakap sa akin si mom, "Oh, matatapos ka na ba? Baka mahuli ka naman na sa dinner niyo saka sabihin mo sa kanya na next time dito naman siya mag-dinner." Ngiti pa ni mom sa akin.

            "Sure, mom!"

            Lumabas din naman si mom ng kwarto ko at muli naman akong humarap sa salamin at naglagay lang ng kulay pink an lipstick sa aking labi at konting foundation. Ewab, nasanay na rin ako sa make-up at hindi ako makakalabas ng bahay kapag wala akong make-up pero okay lang naman kahit wala o meron atleast nakikita pa rin nila kung sino si Megan Ynez, ayokong makita nila si Lauren dahil ngayon, natatakot ako na baka kung anong gawin ko, Lauren at Lauren ang nakikita nila sa akin pero ang sa totoo lang ay si Megan iyon.

            Pero hahayaan ko na lang din sila, if Lauren ang pagkakakilala nila sa akin edi go for it. Hindi ko sila mapipilit doon. Dahil natuto na rin ako, kung hindi ko man sila ma-please na 'wag na nilang gawin 'yon at alam ko naman sa sarili ko na mga wala rin naman silang magagawa kaya hahayaan na lang din. Parang mga sahog sila sa isang putahe na hindi naman nakalagay sa recipe tapos ipipilit mong ilagay kahit hindi naman at ang ending, hindi ka rin masisiyahan dahil ang pangit ng kinalabasan.

Between Me and the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon