Star 22

83 4 0
                                    

Star 22

 

Wala akong schedule for this day para magrecording, si Arjay lang ang naka-sched ngayon sa amin eh, si Tiffany sa Saturday din, pareho kaming dalawa na gagawa ng singles namin. Ngayon yayayain ko ulit siya sa bahay para mag-practice kaming dalawa pero kanina ko pa siya tinatawagan hindi naman ako sinasagot kaya ayun, pupuntahan ko pa sa bahay nila.

            Naka-shorts lang din at t-shirt lang din ako na papunta sa kanila dahil magpa-practice lang din naman kaya para saan pa kung mag-aabala pa akong magpalit ng damit. Papunta na ako doon sa bahay nila Tiffany ng may matanaw akong kotse na pareho ng kay Johannes. Hindi ko rin alam kung bakit na langa ko nagtago bigla at sinundan  na lang ng tingin palayo ang kotse niya na iyon.

            Pero bakit ko ba iniisip na kay Johannes nga iyon? Siguro kapareho lang ng kotse at kakulay pero hindi siya 'yon. Ano bang nangyayari sayo, Megan. 'Wag ka nan gang ma-bother sa kanya. Huminga na lang ako ng malalim. Masyado lang ata ako napa-paranoid kaya pati kotse iniisip ko na si Johannes 'yon.

            Ilang saglit ng paglalakad ay nakarating din naman ako sa bahay ni Tiffany. Pinagbuksan naman ako ng kapatid nitong si—hindi, hindi si Iris ito.

            Kunot noo ko naman siyang tiningnan, "Si Tiffany?" tanong ko pa sa kanya.

            Hindi si Iris 'to obvious dahil lalaki 'tong kaharap ko. "Nasa kwarto niya, why?"

            Wow ha. "Magpa-practice kasi kaming dalawa."

            "Where?"

            Ang dami naman nitong tanong, bwisit. "Nasaan nga kasi?"

            "In her room." Malamig na tugon nito sa akin.

            Sino ba kasi 'to?

            "Oh! Ate Megan? Si Ate ba? Nasa kwarto niya." Nakangiti naman nitong tugon sa akin.

            "Pwedeng pumasok?" tanong ko pa sa kanya.

            "No, this is not her house." Eksena na naman ng lalaking 'to.

            "Ang adik mo, Niko, pumunta ka na nga lang do'n sa sala." Irap pa ni Iris kay Niko, 'yon ang tinawag niya. Nang makaalis naman sa harap namin si Niko ay nginitian naman ako ni Iris. "Pagpasensyahan mo na si Niko ate Megan, pinsan ko 'yon, kaya 'wag ka mag-alala na boyfriend or something." Hagikgik pa nito. Kalandi na bata, joke.

            Tumuloy na rin naman ako papasok sa loob ng bahay nila at tinungo ang kwarto ni Tiffany. Kakatok pa lang sana ako ng bumukas na ito at bumungad sa akin si Tiffany.

            "Oh! Megan! Why you're here?"

            Napakunot noo naman ako sa kanya. "Ha?" natanga ko pang tugon sa kanya.

            "Ang aga aga mo dito." Aniya. Nagkamot pa ng ulo.

            "Baka may practice tayo?"

            At lumingon siya sa akin na nanlalaki ang mata at halatang nagulat sa sinabi ko. "Oh mu gosh, kakagising ko lang." at nataranta na ang gaga.

            "Sige na, kumilos ka na muna, I'll wait."

            "Sorry talaga Megan!" saka siya tumakbo sa CR.

            Napasapo na lamang ako sa noo habang iiling-iling. Kaya pala ayaw sumagot ni Tiffany ay tulog pa pala, ang baliw talaga ng babaeng 'yon. Kinakalimutan ang plano, naku naku! Kailangan na ata ni Tiffany ng memory plus.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now