Sensation 28

100 2 0
                                    

Sensation 28

 

~Megan's POV

I prepared such things para sa music video ko ngayon. Bago kami magkita nila Theo at ni Kurt ay nagpapadala na siya ng mga damit para kapag nag change scene daw hindi na uuwi-uwi kaya ako naman ay nagdala ng ilang dresses gaya ng sabi niya para hindi na rin ako mahirapan. Niyaya ko na rin naman si Tiffany na sumama sa gagawin kong music video kaya ayun, go na go siya. Hihintayin ko na lang din siya dumating at sunduin ako.

            Muli ko namang pinakinggan ang kanta na nagawa ko kagabi. Pinagpuyatan koi yon at nagawan na ng background music. Ang sarap lang pakinggan dahil may meaning din naman 'yong kanta. Hindi ko nga alam kung saan ko hinugot 'yong mga salitang 'yon eh, pero atleast dahil sa mga sinabi sa akin ni Johannes parang mas lalo ko na lang binuild-up ang sarili ko na no matter what happen, hindi ako magpapa-apekto sa kanta.

            If he'll try to crash my career then go, alam kong hindi magtatagumpay ang mga taong may pinipilit na pinapabagsak. Just be be yourself, Megan.

            Pinasa ko naman ang ni-record kong song sa phone ko para atleast mapakinggan nila pero syempre dadalhin ko pa rin ang laptop ko baka kasi kailanganin kaagad. Alam kong ang daming opportunity na dumarating sa akin ngayon pero anong ginagawa mo? Tinatanggap sila pero may mga offer na kailangan mo talagang tanggihan. May mga tao talagang kailangan mong iwasan.

            "Megan?" ilang katok pa ang sumunod bago ulit nito tawagin ang pangalan ko. "Megan Ynez!" panggigil nito.

            Natawa na lang din ako. Tumayo naman ako at lumapit sa pinto para pinagbuksan siya ng pinto. Napatingin naman ako sa suot niyang daming, ang ikli ng maong shorts niya na kung ang tawag ay *censored* shorts, if you know what I mean and naka loose t-shirt.

            "Ano ba 'yang suot mo Tiff?" tawa ko pa sa kanya.

            "Oh anong masama dito?" aniya. At tumalikod sa akin at nagmodel model, "Maganda naman diba?"

            "Oo pero hindi naman tayo sa beach pupunta."

            "So? Basta, ito suot ko tapos magpapalit naman diba?"

            I shrugged, "Oo nga, sige na, wait mo lang ako."

Pumunta naman ako sa kwarto ko at sumunod na lang naman siya sa akin. Kinuha ko naman 'yong bag ko na may lamang mga damit at kaek-ekan. At nag shorts na lang din naman ako na kulay puti at white t-shirt na rin, gaya nga ng sabi ni Tiffany na magpapalit-palit kami ng damit dahil sa mga scences tapos syempre para hindi na hassle magpalit ng damit kung walang mapagpapalitan diba.

"Nakausap mo na ba si Kurt?" tanong naman sa akin ni Tiffany.

I nodded to her, "Oo, nakausap ko na siya kagabi at binigyan ko na rin naman siya ng lyrics ko at siya na daw bahalang gumawa ng scenes kaya pinapadala niya ako ng mga damit at sinabihan ko rin si Theo." Ngisi ko pa sa kanya.

"Na what?" taka niyang tanong sa akin.

"Na siya 'yong magiging leading man ko for this music video." Ngiti ko pa sa kanta. "Pupunta rin siya dito, so wait na lang natin siya."

"Okay, sabi mo eh." Aniya. " Sige, sa sala niyo na lang muna ako." Tinanguan ko naman siya.

Bago pa ako sumunod sa kanya ay may kinuha ko 'yong notebook ko at song book at pagkakuha ko naman noon ay may nahulog na kapiraso ng papel. Nang pulutin ko naman iyon ay napakunot noon a lang din ako ng mabasa ko ang pangalan ni Johannes. Ito ang calling card na binigay niya sa akin noon, hinding hindi ko ito tatanggapin and I would never be part of his life.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now