Star 11

107 6 0
                                    

Star 11

 

~Megan's POV

Ilang araw na lang bago mag annual meet-up for online sensations pero bakit ako binabagabag ngayon ni Johannes? I don't know what to react or to say when he said to me that he actually like the video I uploaded with Tiffany. Ang hirap paniwalaan no'ng sinabi niya, hindi kasi ako nakatingin sa kanya no'ng time na sinabi niya 'yon pero rinig ko 'yong pag-ngisi niya.

            Hindi ko alam, nabato rin ako sa kinatatayuan ko no'n! Hindi ko in-expect na magkikita kaming dalawa. Ayoko pa naman na magkasalubong kaming dalawa dahil baka kung anong gawin na naman no'n sa akin pero ngayon sinabi niyang gusto niya 'yong video ko?

            Ngayon na kilala na niya ako sa pagiging online sensation, so gano'n, magiging stalker ko na rin siya. Ang awkward kaya no'ng time na 'yon, hindi ko alma kung kanino nakatuon 'yong atensyon ng mga tao sa paligid, sa amin bang tatlo o kay Johannes? Syempre, sa sikat. Alangan naman sa amin, duh?

            Hanggang ngayon, kinukulit pa rin ako ni Tiffany sa nangyaring iyon dahil siya rin mismo ay nagulat ng sabihin iyon ni Johannes tapos ito namang si Arjay kantyaw ng kantyaw sa akin, hindi rin tumigil. Hindi lang nila alam na naaasar na ako, hindi nga kasi ako komprtable kay Johannes e.

            There is something that separates us, he's a star and I'm absolutely far from him. Too much obvious. Ayoko rin maging mapalit sa isang taong alam kong may kaakibat na magiging dahilan pa ng isang kontrobersyal. Okay na sa akin kung nasaan ako ngayon.

            "Teka, Megan, bakit parang ayaw mo pa na napanood ng sikat na artista ang cover song mo na iyon? Dapat nga diba sumaya kasi napansin ka?" ngisi pa ni Tiffany sa akin.

            I took a deep sighed, "Oo sikat nga 'yong tao pero diba may atraso ako sa kanya?" I rolled my eyes, "alam kong hinding-hindi niya 'yon makakalimutan kasi first time na may nangyari sa concert niya na gano'n diba?"

            "Baka malay mo, nakalimutan na niya 'yon?" she stares at me. "Hindi ka naman niya tatawagin kung may galit siya sayo diba? Think of it, Megan, I think he likes you."

            "No way." Protesta ko sa kanya.

            That star? Imposible naman. Sa dami-dami ng babae sa industriyang iyon, ako pa? Hindi naman sa nag-a-assume na baka tama nga 'yong hinala ni Tiff, alam ko naman kasi na meron pang mas better or best pa sa akin na makakasalamuha niya doon. I hate it when someone link a person to me lalo na't medyo may inis at imposible naman na mangyari.

            Ang layo ng pagitan, nasa baba ako nasa itaas siya. Wow lang. Ang lawak pala talaga ng imagination ni Tiffany pati iyon naiisip niya.

            "But to think of it Megan, nakadagdag views siya sa video niyo." Ngisi pa ni Arjay.

            Napakibit balikat na lang naman ako sa kanya. Yeah, umabot ng hundred thousands and views na 'yon and with him, kahit alam kong isang beses niya lang pinanood 'yon e, baka malay mo pa nga, hindi pa niya tinapos. May little help naman siyang nagawa kaya pagbigyan na rin natin.

            Nauwi naman akong mag-isa sa bahay pati na rin sila dahil baka hinahanap na daw sila at hindi pa nga umuuwi sa kanilang bahay, diretsyo party kaagad.  Napansin ko na walang tao dahil sarado ang pinto at kinuha ko naman ang spare key sa ilalim ng welcome na basahin sa harap ng pinto namin. Dahan dahan ko pang kinuha dahil baka may makakita pa ng secret taguan namin ng susi.

            Nang mabuksan ko naman ay wala ng sila dad at mom. Kaya dumiretsyo na lang ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang laptop ko. Bumungad naman sa akin ang ilang emails sa akin at nang buksan ko naman iyon ay halos malaglag ang panga ko dahil sa nabasa ko. Ini-invite nila ako sa album tour ng Before Four.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now