Sensation 33

70 3 1
                                    

Sensation 33

 

~Johannes's POV

Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga naiisip ko ngayon. Mag-isa lang ako sa kwarto ko ngayon kaya ang daming bumabagabag sa akin at pumapasok sa utak ko na dapat hindi ko na lang ginawa. Hindi ko rin inaasahan na sobra sobra pala ang mangyayari sa kanya, never kong in-expect na hahantong sa puntong babalik siya at ibang pangalan na ang kanyang ginamit niya.

            Ngayon, ewan ko sa sarili ko kung bakit ganito ako ngayon. Pinagsisihan ko na nga ba ang mga nagawa ko sa kanya? Lintik na 'yan oh! Hindi ko alam! Pansin ko lang din na lahat ng mga online sensation ay nasa GNV kabilang na doon ang mga kaibigan niyang sina Tiffany at Arjay na lumalago na rin ang career at mistulang si Megan or should I say Lauren ang napunta sa rival company na GNV naman ang nagbigay opportunity sa kanya.

            Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya kung kaya't nagawa niya 'yon pero hindi niya rin naman ako masisisi kung bakit ginantihan ko siya noon. Oo, inaamin ko na ako ang may pakana noong may kumalat sa kanyang chismis pero hindi lang ako 'yon, pati na rin si Manilyn. Siya mismo ang inutusan ko na gumawa ng issue kay Megan pero hindi ko alam na gano'ng klase ang gagawin niya.

            At tululyang bumagsak ang career niya sa kagagawan kong iyon at hindi naman naging bagabag sa akin 'yon noon dahil alam kong nagwagi ako.

            Kasi noong una na-insulto talaga ako sa pagtulog niya sa concert pero hanggang doon na lang 'yon at noong nalaman ko naman na isa pala siyang online sensation ay nagulat ako dahil hindi ko alam na isa pala siyang sensation at noong pagkakataon na 'yon, unti unti na akong nahuhulog sa kanya, sa pamamagitan ng mga music videos niya, mistulang nabihag niya ang puso ko. Ang gayshit pero 'yon ang totoong nangyari. Pinatuyan niya na hindi ko kailangang magalit sa kanya kaya iyon, nawala ang galit ko sa kanya pero pinapakita ko sa mga kasama ko na insult pa rin ako sa ginawa ni Megan pero deep inside, hindi na.

            At no'ng time na naagkita kami sa isang event, doon nawasak ang pagtingin ko sa kanya. Hinigit ko siya noon para kausapin pero dumating ang isang lalaki at sinabi niyang boyfriend niya iyon. Wala akong nagawa. Hindi na ako nakipagtalo pa at pinanood ko na lang silang lumayo at lamunin ng mga dagsang tao at umuwi akong banas noon.

            Pero sa dahil hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko, pinilit kong maging malapit sa kanya hanggat sa pinagmumukha naman sa akin ni Megan na may boyfriend siya at 'wag na 'wag ko siyang lalapitan. Dapat last time na kakausapin ko na siya noon no'ng binigyan ko siya ng calling card if she want to be part of GNV industry and I've waited her calls pero wala akong na-receive at doon ko napag-isip isip na mali ang nararamdaman ko kahit pilitin ko man, mali eh, may boyfriend si Megan at maling manulot ako, diba? Hindi na asal lalaki ang gawaing gano'n!

            At dumating ang puntong pinagsamantalahan siya ng isang taxi driver, hindi na ako nag-atubili pa na tulungan siya at dali dali ko siyang niligtas noon. Wala akong pakelam kung may boyfriend siya noon dahil mas mabuti nang maligtas ang kung anong meron siya at nagawa ko naman 'yon, hinatid ko rin siya noon kay Ched at ang huli ay sinabihan ni Megan si Blaze na pinapasalamatan niya ako.

            That time, ramdam ko na may worth pa rin pala ako atleast hindi naging masama ang turing niya sa akin.

            At nang ilo-launch na ang kanilang album na kasabay naman ng sa amin ay akala ko kami na magiging number 1 pero nagkamali ako dahil mas naangatan kami ng mga online sensation at bago pa 'yon, noong live show ay kumanta si Megan sa harap ng mga tao at doon niya ako napahanga sa boses niya. Napapakinggan ko lamang siya sa mga music videos niya at iba pa rin pala talaga kapag narinig mo ang boses niya kakaiba. Nakakabighani.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now