Star 10

100 5 0
                                    

Star 10

 

~Megan's POV

 "Megan!" nagising na lang ako dahil sa pagyu-yugyog sa akin ni Tiffany. Hindi pa ito natigil at nilakasan niya pa ang pagyugyog sa akin hanggat sa malaglag na ako sa kinahihigaan ko. Nabigla na lang din naman ako ng nasa lapag pala si Arjay kaya ayun, nadaganan ko siya.

            "Aruy, Meg." Aniya.

            Natatawa-tawa naman akong bumangon, "sorry na, Arjay! Ang epal kasi ni Tiff eh."

            Napangisi na lang din naman at sinamaan ko nang tingin si Tiff at pinipigilan lang ang pagtawa niya at saglit lamang ay kinuha nito ang laptop at kung ano ano nang pinagta-type niya. Lumapit naman ako sa kanya para tingnan kung anong ginagawa niya.

            "Ano 'yan, Tiff?" tanong ko sa kanya at nang matuon naman ang mata ko sa screen ay halos hindi ako makapaniwala na umabot na ng hundred thousands ang video na pinost lang namin kagabi. "Seryoso ba 'yan?"

            Nagmadali naman akong tumabi sa kanya saka ko tinitigan ang mga ito at halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ini-scroll down ko naman ito to see the comments at halos ma-touch naman ako sa mga pinagsasabi nila. Ang unique dawn g mga boses nila, mabuti na lang daw at gumawa muli kami ni Tiffany ng new song ng magkasama kami. May ilan-ilan na negative comments pero mas nangingibabaw ang feels ko kapag binabasa ko ang mga positive comments nila sa amin, gaya ng.

            'Kahit kailan talaga hindi ko pinagdudahan ang talent niyong dalawa, can I ask something? Mag bestfriend ba kayo in real life kasi so amazing!'

            'OMG! I can't take the feels! Megan and Tiffany is the best!'

            'What the hell, this is soooo great, you're the best Megan, never mind them, you are our idol.'

            "Oh! Ano 'yang pinagkakaguluhan niyo?" tanong sa amin ni Arjay.

            Nilingon ko naman siya, "Arjay, tama ka nga! Dinagsa kaagad ng views and positive comments ang videos na 'yon!"

            "Syempre naman, you two are too good." Ngisi pa nito, "and see this, magdamagan pa lamang 'yan, naka-hundred thousand ka na—kayo, kaagad."

            "Naman, ako kaya nagdala." Nabatukan ko pa si Tiffany sa sinabi niya, "ang aga namang batok no'n!"

            "Di bale guys, sa original song na gagawin ko, pwede kayo maging guests." Tawa ko pa, tinaasan lamang nila ako ng kilay kaya nagtaka naman ako, "ayaw niyo ba no'n? Dagdag exposure?"

            "Sus, bad influence ka nga e." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tiff at muntik ko nang masabunutan sa sinabi niya pero syempre joke lang 'yon. Alam ko naman na nagbibiro lang siya na akala mo mean niyang sinabi iyon.

            "Stop guys, anong gusto niyong gawin ngayon?" tanong ni Arjay sa amin.

            Nagkibit balikat na lamang ako, "wala?"

            "No! Megan!" ani Tiff, "we should party!"

—BMATS—

~Johannes's POV

"Laila, na-contact mo na ba si Megan?" tanong ko sa kanya. Nandito kami muli sa GNV Company, specific sa meeting room para i-finalize ang mga magiging mangyayari sa mga album tour namin.

Between Me and the StarDove le storie prendono vita. Scoprilo ora