Star 19

88 3 0
                                    

Star 19

 

Monday. Ang tinakdang schedule ko for recording of the compilation ng various online sensation. Hindi ko alam kung may iba akong kasabay na sensation din dahil hindi ko naman natanong kung anong mga schedules nila, wala akong kasabay na papunta do'n. Bukas pa kami sabay sabay nila Tiffany at Arjay para doon sa collaboration namin kaya ako lang mag-isa.

            Naaasar lang din ako, ang arte pa kasi ni Manilyn so dalawang single tuloy gagawin ko pero alam kong may magandang kakalabasan naman 'to dahil ako lang 'yong magdadalawang single sa aming siyam, so chance ko na rin ito para mas maipakita sa kanila kung ano nga bang ibubuga ng isang Megan Ynez.

            As usual, naka-dress na naman ako. Halos karamihan kasi na laman ng closet ko ay dress, minsan ka lang makahanap ng jeans. Pero I prefer dresses talaga, komportable lang talaga ako. Flower flower ang designs kaya ang fresh fresh lang tingnan sa akin.

            Lumabas na rin naman ako ng recording room ko. Actually, noong isang araw pa natapos gawin ang recording room ko na ito at doon ako halos buong araw na nagpa-practice even sina Tiffany at Arjay dahil mas gaganahan kang mag-practice or mag-record kapag alam mong walang makakasira sayo kaya ayun, sana 'yong recording na gagawin ko ngayon ay maging perfect at walang sagabal.

            Nagpaalam naman ako kay mommy. Wala na naman si daddy dahil busy siya masyado sa kanyang work kaya ayun, minsan hindi ko na siya naabutan kaya minsan kapag uuwi siya, tulog na ako.

            Naghintay naman ako ng taxi papunta doon sa GNV company. Alas nueve ng umaga ang call time namin for this day, sana nga may ka-close akong magre-record din ngayon para hindi ako masyadong out of place kapag nandoon na ako. May huminto namang taxi sa harapan ko at sumakay naman kaagad doon.

            "Saan tayo Miss?" tanong nito sa akin habang nakatingin sa rear view mirror.

            "Sa GNV po." Sagot ko na lamang sa kanya at umiwas na ng tingin at binaling na lamang ang atensyon sa dinadaanan ng taxi sa labas.

            Habang tumatagal ay hindi ako nagiging komportable. Patingin tingin ako sa orasan ng phone ko at malapit na mag-alas nueve pero ngayon nasa kalagitnaan pa rin kami ng kalsada at ang mas malala pa ay nag-iba ng daan ang sinasakyan kong taxi.

            "Manong, hindi po dito ang daan papunta GNV." Tapik tapik ko pa sa balikat nito.

            Ngunit tiningnan lang ako nito sa rear view mirror at saka niya hininto ang taxi. Nahihilo na rin ako. Hindi ko kinakaya ang amoy sa loob ng taxi na ito. Lalabas na sana ako ng taxi ng hinawakan nito ang kanang kamay ko. Nagpumiglas naman ako pero tinutukan naman ako ng pera nito. Wala akong nagawa. Tinakpan nito ang ilong ko gamit ang panyo niya at ilang saglit lamang ay mas lalo akong nahilo hanggat sa nawalan ako ng malay.

~Johannes's POV

Nagmamaneho ako ng sasakyan ng may mapansin akong nagkakagulo sa loob ng isang taxi na nakaparada sa tabi ng damuha. Habang palapit ako ng palapit ay naaninag ko kung sino ang nasa loob nito. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Megan doon.

            Hinihinto ko kaagad ang sasakyan at nagmamadaling bumaba papunta sa taxi-ng iyon. Hinatak ko ang damit ng holdaper, killer o manyak na ito. Agad kong pinaulanan ng suntok ito hanggat sa mawalan na lamang ng malay sa sahig. Dugo dugo ang bibig nito sa natamo niya sa akin. Tumawag naman ako ng pulis para arestuhin ang taong ito.

            Agad ko naman na nilapitan si Megan na walang malay. Sinuri ko naman ang paligid at napansin ko kung anong nakalagay sa aircon nito, kinuha ko naman ang nasa tissue na iyon at ng inamoy ko naman ay amoy rugby. Agad ko naman itong tinapon at bumalik ang atensyon kay Megan.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now