Star 9

103 4 0
                                    

Star 9

 

~Megan's POV

Hindi ko inaasahan na gano'n kabilis na mabo-broadcast sa tv 'yong nangyari lamang kani-kanina lang. Hindi nga ako makatingin kay dad dahil sa pinapanood namin 'yong nangyari kanina. Tho, nakakahihiya sa part ko dahil mall show nila 'yon tapos ang binanggit ko pa na pangalan ay 'yong rival nila.

            Pero pagkatapos namin panooring 'yon ay natawa na lang si dad.

            Halos kumunot ang noo dahil sa pagtawa niyang iyon. 'Yong akala ko na papagalitan niya ako dahil sa kahihiyan na dinala ko kanina. Mukhang nagkamali pa ako, dahil nakuha pang tawanan ni dad 'yong pagkakamali kong iyon. But it's okay, alam ko naman na hindi siya galit.

            "Did you mean to say that, Megan?" he smirk, "look at the face of that guy, he's in shocked." Hindi ko alam kung tatawa ba ako o mapapangiwi na lang dahil sa sinabi ni dad pero nagawa ko rin naman matawa dahil sa tawa niya. Pero agad din naman itong sumeryoso, "but don't ever do that again, Megan."

            I sighed, "hindi naman mangyayari 'yon kung hindi nila ako tinawag eh."

            "But then, it's okay, walang kaso 'yon sa akin Meg, but 'wag ka uli mapapasama sa mga gano'n tapos mabo-broadcast ka pa sa tv." He shook his head, "and your recording room, kailangan mo na ilipat 'yong mga gamit mo do'n para maayos na rin."

            "Talaga dad?" he nodded to me. Hindi ako makapaniwala na nangyayari na talaga ang dream recording room ko. Bigla ko namang naakap si dad, "thank you talaga, dad. You'll never know how much I wanted that thing." Saka ko siya hinalikan sa kanyang pisngi.

            Gaya nga ng sabi ni dad ay nagmadali naman akong pumunta sa kwarto ko at ang ilang mga kagamitan ko doon ay pinaglilipat ko na sa recording room. Inabot lang naman ako ng isang oras dahil medyo mabigat ang ilang gamit at syempre 'yong mga kailangan sa pagre-record ay nailipat ko na rin naman.

            "Oh! Megan, ayos na?" biglang dating ni Tiff. Sakto naman na huling gamit na ang nilagay ko sa loob ng recording room. "Diyan na ba tayo gagawa?"

            I shook my head, "hindi pa 'no, doon muna tayo, and oh, kasama ka pala Arjay." Ngiti ko pa dito.

            "Tiff told me na mag-eedit daw kasi kayo and I'm willing to help you guys." Na-touch naman ako sa sinabi niya. Dinala ko naman silang dalawa sa kwarto ko at pinaglalapag naman nila ang mga dala nilang laptop pero so Tiff ay agad na nahiga sa kama ko.

            "Oo nga pala, Megan, anong ginagawa mo do'n sa mall show ng The ex-badboys? I thought you hated them." Taka nitong tanong sa akin.

            I pouted, "kasi—" magsasalita pa sana ako ng singitan ako ni Tiff.

            "Well, dapat kasi mag-eenjoy kami ni Meg doon dahil nakatapos kami ng perfect cover naming dalawa and then—"

            "Itong si Tiffany," singit ko sa kanya, baka kung ano pang kwentong gawin. Kapag ang isang 'to pa naman, nalilihis ng direksyon ang kwento kaya nagkakagulo minsan. "Narinig siya ng isang fan ng The ex-badboys tapos kung ano ano nang sinabi tapos no'ng umalis na kami, binato ako ng sapatos."

            "What the fuck? What happen?" na-oa-yan naman ako sa reaction ni Arjay.

            "Ayun, binato ko rin sa kanya pabalik 'yong sapatos niya, sapul sa bibig, laglag nguso." Nahinto naman sila sa sinabi ko, "biro lang, then ayun nakipagsiksikan kami sa crowd tapos nakalabas ako sa harap ng stage, galing diba?" sabi ko with a sarcasm.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now