Star 13

110 4 2
                                    

Star 13

 

~Megan's POV

So far the event was great. Hindi ko akalain na magiging masaya ang ganitong klase ng event na in-attend-an ko pero si Manilyn lang talaga 'yong panira eh. Paano ba naman, gala siya ng gala tapos magpapasikat sa iba, kaya maraming nayayamot sa kanya at naaasar kung bakit sinama pa siya sa ganitong event eh. And after no'ng pagpapakilala namin by tables ay nagkaroon ng mga games, nakinood lang din naman ako pero parang ang kj ko naman kung gano'n kaya nakisali na ako sa various games.

            "Megan, tayo ka na diyan!" tulak pa sa akin ni Tiffany dahil siya ay nakakailan nang games at si Arjay din.

            "Ito na, makatulak wagas?" irap ko pa sa kanya at napangisi na lamang.

            Pumunta naman ako sa harap kasabay ng ibang sensation din. Mga siyam lamang kami na nakatayo dito sa harapan pero ang kailangan ay sampu pero hindi nag-abala na kumuha si Ched ng isa pang participants kaya naman nagtaka ako kung anong laro ba ang gagawin namin.

            "So, ayan, napansin niyo naman na nine lang kayong nakatayo dito," ngiting nakakaloko pa ni Ched. "So for our surprise guests and we'll participate this game..." kinukutuban ako bigla dito. "Please give him a round of applause, Johannes Wesley."

            At lahat ng tao sa loob ng event hall ay nagpalakpakan ng lumabas siya mula sa backstage. Hindi ko nagawang pumapalakpak man lang o kung ano, nabato lamang ako sa kinatatayuan ko habang nakapako sa kanya ang mga mata ko. Nang malapit na siya ay sa harap ko mismo siya napadaan at nagkatitigan kaming dalawa. Napalunok ako ng laway at medyo lumayo ng pwesto ko mula kay Johannes.

            "So, Johannes welcome to First Annual-Meet up of Online Sensations." Ani Ched at binaling ang microphone sa kanya.

            "Maraming salamat," saka siya kumaway sa crowd. May mga ilan naman na kinilig pero ako kinabahan sa mangyayaring larong ito. Napatingin naman ako sa gawi nila Tiffany at Arjay tapos mga bwisit, nag-thumbs up pa sa akin. Supportive bestfriends eh, wala tayong magagawa diyan.

            "Ang gwapo mo talaga Johannes, manang-mana ka sa daddy mo." Haplos haplos pa ni Ched sa pisngi ni Johannes. Natawa ang ilan sa pinaggagawa ni Ched pero ako, hindi ko magawang ikurba man lang ang mga labi ko.

            Mas may ga-grabe pa ba kay Manilyn dito na todo cheering na kay Johannes pero hindi naman siya pinapansin? Papahiyaan ba muli ako ni Johannes at harap nan g mga kapwa ko online sensations.

            Kaya minabuti ko na lamang na maupo.

            "Hep hep, Miss Megan, where are you going?" tanong sa akin ni Ched na hawak hawak pa ang braso ko.

            Hinawi ko naman ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko. Hindi agad si Ched ang una kong napansin kundi si Johannes na naka-half smile na nakatingin sa akin. Ang sweird, hindi ako sanay na may sikat na tao nasa harapan ko lang.

            "Uupo?" patanong ko pang sagot sa kanya.

            "Ay touch move tayo," tawa pa niya, "kapag sumali ka na sa game na ito, wala ng atrasan." Aniya. "Di bale, kayong dalawa na ang magpartner ni Johannes." Ang laki pa ng ngiti niya habang sinabi niya iyon sa akin.

            Halos lumuwa na nga ang mata ko dahil sa gulat ko sa sinabi niya, "Ha? Ano bang laro?"

            "Excited masyado, Miss Megan?" medyo may asar na tono na si Ched. "Sige na, tumabi ka na muna kay Johannes at ie-explain ko ang mechanics ng game na 'to, 'wag kang mag-alala, alam niyo na naman siguro 'to." Kindat pa sa akin ni Ched.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now