Star 14

100 3 0
                                    

Star 14

 

"Theo?"

            He sighed and bitterly smiled. "Nah, nevermind." Hindi ko siya na-gets. Hindi ko alam kung bakit na lang niya nasabi 'yon sa akin. "We can still pretend, don't worry Megan."

            Napangiwi naman ako sa kanya at tinanguan na lang din naman siya. Kumain na rin naman kaming dalawa na walang nag-iimikan. Ang awkward tuloy bigla ng atmosphere. Parang na-guilty rin ako sa sinabi niya sa akin. Gusto niyang totohanin na lang? If we can, bakit hindi pero 'wag muna ngayon. I still don't see that I have a boyfriend, but Theo is a good friend of mine. I wouldn't brea the friendship we build almost years ago.

            "Sige, balik na ako doon." Ngiti ko sa kanya.

            "Sabay ako sa inyo uwi ah!" pabiro pa nitong sabi sa akin.

            "Sure, Theo." Ngiti ko sa kanya. "Kitakits na lang later." Saka pumunta na si Theo sa kinapu-pwestuhan ng give-aways nila kanina.

            Ang awkward lang bigla dahil sa sinabi niya. Napailing na lang tuloy ako na bumalik sa table namin kanina. Nakakaasar din kasi si Johannes! He wants to know me? For your information, wala akong balak na kilalanin ka Johannes. I hate boy bands, lalo na 'yong bandang The ex-badboys. So much ang anger ko doon, lalo na kay Lord Ever Statvon.

            "Anong nangyari sayo?" tanong ni Tiff sa akin.

            Napa-angat naman ako ng ulo sa kanya at binigyan ko siya ng ngiti. "W-wala." Iling ko pa sa kanya.

            "Mukha ka kasing nalugi." Aniya.

            I rolled my eyes to her at bumaling na lang sa stage at may ilan na nagpe-perform sa stage at si Lindsey ang isa doon. Napapangiti na lang ako habang pinapanood ko siya. I'm so proud of her, hindi ko in-expect na 'yong dating subscriber lang namin ni Tiffany ngayon kabilang na siya sa mga kilalang online sensations.

            After of some performances ay pumanik muli sa stage si Ched at ito na ata ang moment na sasabihin ang rank ng online sensations.

"So, sensations, in a minute ay makikilala na natin ang top 10 online sensations! Handa na ba kayo?" sabi ni Ched na may halong excitement din.

            Ako hindi na mapakali. Hindi naman ako nag-e-expect na mapasa ako sa top 10 pero I am so sure na may ibubuga rin ako at mapapasama doon sa rank na 'yon.

            "So, ang naging kalakaran ng pagpili ng top 10 ay sa boses, pagdadala ng music videos at ang uniqueness." Pagpapaliwanag ni Ched. "Lima kaming humusga sa inyo, even the coaches, professional singers and directors lahat sila ay may sinabing may ibubuga kayong lahat pero sa isang daan na bilang niyo ay may nag-stand out na 10 at ito na sila." Winagayway ni Ched ang hawak niyang papel na kung saan naglalaman ng list of top names.

            Napalingon naman ako sa gawi ni Johannes na nakaupo lamang sa tabi ng stage. Muli na naman nagtama ang mata namin pero nagawa ko siyang irapan. Napahinga na lamang ako ng malalim. Ang daming pressure ngayon, Johannes, Manilyn and the rank.

            "Sensations, don't be mad if hindi kayo makapasok sa top 10 at hindi ibigsabihin no'n, you're not the best! This just a number so don't take it seriously, so we'll start from 10."

            "Kinakabahan ako Megan." Nanginginig pa na sabi ni Tiffany sa akin.

            Hinawi ko naman 'yong kamay niya sa braso ko. "'Wag ka ngang assuming, Tiff." Ngisi ko pa sa kanya.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now