Star 3

138 7 2
                                    

Star 3

~Megan's POV

Nakakahiya! It was the biggest mistake I've got. Sorry na! Hindi ko rin naman alam na nagsisimula na pala ang concert dahil may nakasalpak sa tenga ko na earphone at malay ko bang natulugan ko rin iyon. Nakakahiya talaga! Nang makita ko ang mukha ko sa malaking screen sa gilid ng stage ay hindi ko alam kung anong ire-react ko pa dahil kuhang-kuha rin nila ang tulog kong mukha. Nakakahiya! Wala akong nagawa kundi umalis sa kinauupuan ko pero hinabol naman ako ni Tiffany at ngayon, kumakabog ang dibdib ko na pinapanood sila.

            Mabuti pa nga na nasa Gen-ad ang pwesto namin at doon hindi niya makikitang natutulog ako sa gitna ng kantahan nila. Bad move lang talaga, Meg. Wag mo na sila iisipin.

            Ngyaon na nasa kalagitnaan na ng concert nila ay kinakanta naman nila ngayon ang mga cover songs nila noon na pinagpo-post nila sa youtube account nila. Doon din naman sila mas nakilala however pasok na sila sa industry noon pero 'yon nga, kahit saan mo man hanapin o tingnan, sisikat talaga sila.

            "So, here we sing some cover songs that we made up and I—we will be happy if someone would join us on the stage." Agad na nagsigawan ang crowd ng sabihin iyon ni Johannes at tumayo rin naman ito sa kinauupuan niyang beat box at naglakad at naghanap ng taong maisasama nila sa stage.

            Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya dahil may pakiramdam ako na baka ako ang tawagin niya lalo na't kanina pa man din siya nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lamang ang tingin niya sa akin kaya kinakabahan ako sa kanya.

            "You!" may tinuro ito pero hindi ako nakatingin sa kanya kundi sa ibang part ng crowd.

            "Megan! Ikaw daw!" bigla akong niyugyog ni Tiffany na mas lalo kong kinabigla. "Ikaw daw!" ulit pa nito.

            "Ano?" taka kong tanong sa kanya.

            "Yes, you are." Napatingin naman ako kay Johannes at nilapitan niya ako. Tinulak tulak naman ako ni Tiffany para makatayo. Hindi ko alam kung nagsisigawan ba ang tao sa paligid o tahimik na tinitingnan kami. Dahil wala na rin naman akong nagawa ay naglakad na ako sa hagdan at nang kinuha niya ang kamay ko para alalayan niya ay biglang nagkagulo ang crowd.

            Nahihiya ako! Bakit ba kasi ako napasok dito?

            Napansin ko namang ngumisi si Johannes at lunok laway na lang din ang nagawa ko. Naglakad kami papunta sa gitna ng stage kasama ang mga miyembro nitong bandang Before Four.

            "Gorgeous." Bati naman ng isang lalaki na medyo curly ang hair at may hikaw na itim sa magkabilang tenga nito. Kung hindi ako nagkakamali, he's name was Carter.

            Kumakabog pa rin ang dibdib ko dahil hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari mamaya o kahit ngayon lalo na't nakahawak pa sa balikat ko itong si Johannes kaya nakayuko lang ako all the time. Medyo hindi ko lang talaga kaya na nasa harapan ako ng maraming fangirls ni Johannes at 'yon ang kinatatakutan ko baka i-bash nila ako.

            "So what's your name?" tanong naman nito sa akin. Nakangisi ito at tinapat ang mic sa akin.

            "Megan." Tipid kong sagot sa kanya.

            "You're so lovely, Megan, that's why you sleeping on our opening number." And everyone gets laughed of Johannes said. Napapabuntong hininga na lang din naman ako dahil sobrang nahihiya na ako. Ewan ko, nagi-guilt din kasi ako sa nangyari kanina. Hindi ko rin naman kasi alam na nagsimula na pala, sana naman kasi ginising ako ni Tiffany eh, hindi sana mangyayari 'to.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now