Sensation 38

75 2 0
                                    

Sensation 38

 

~Megan's POV

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ngayon ni Theo at sumusunod na lang din naman ako sa kanya. Ayaw naman niya sabihin kung saan basta daw matutuwa ako doon kaya go na lang naman ako. Atleast kahit papaano ay naka-relieve na rin ako, unti unti ko nang ibabalik kung sino ako. Kung sino si Megan Ynez. Ayoko nang tumatak sa mga isip nila na ako 'yong babaeng rebelled at gagawin lang para umangat. Mas lilinisin ko ang pangalan ko ngayon, ipapakita ko sa kanila na hindi kailangan magbago ng katauhan para tanggapin ng mga tao at hindi pangunahan at husgahan. Minsan kasi nasa tao na ang mga problema kaya kailangan mo talagang tatagan ang sarili mo at tatagan dahil wala naman silang alam sa buhay mo.

            'Yon nga lang din ang naging pagkakamali ko, ang nagpa-apekto sa issue na iyon kaya ngayon ibang klaseng problema ang binigay sa akin.

            Ang kailangan ko na lamang ay magpatawad at tanggapin ang lahat.

            Ngayon dinala naman ako ni Theo sa isang mini store at binigyan niya ako ng drinks. Naupo naman kami sa loob habang kumakain ng binili niyang nachos.

            "Kamusta ka na nga pala?" tanong naman ni Theo sa akin. "Ang tagal ko na rin kasing hindi nakita si Megan eh, akala ko kasi hindi na siya babalik pero ngayon, kaharap ko siya—ikaw."

            Napangiti na lamang ako sa kanya at kumain ng nacho. "Okay lang naman ako pero medyo hindi ko lang kaya kung anong mga nangyayari sa akin ngayon dahil ang daming problema na dumating sa buhay ko. Akala ko nga talaga okay na eh, magiging masaya na ang career ko noon pero hindi ko akalain na sa isang iglap babagsak din pala ako."

            "Yeah yeah, I already know that pero ang gusto kong malaman naging masaya ka bas a pagiging Lauren mo?" seryoso at diretsyo nitong tanong sa akin.

            Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at napabuntong hininga na lamang. "Sa totoo lang, akala ko oo..." napahinto naman ako sa pagsasalita ko at tiningnan ko siya. "Kaso hindi pala Theo eh."

            "Sige lang, Megan, makikinig ako." Aniya.

            "Noong iniwan ko ang lahat para maging Lauren Schnittka, may mga parte sa akin na nawala at pinilit ko maging matatag  para manatili ako sa kung saan ako ngayon, sa kung anong dinadala kong kasikatan pero in the end, I have no goals just taking down the Before Four was my vision. And my career blooming as its finest and I've won against Before Four and I thought it was worthy pero naisip ko, bakit ko nga ginagawa 'to dahil sa siniraan ako ni Johannes? Dahil sa sobrang galit ko? 'Yon talaga ang namumutawi sa akin ang paghihiganti kay Johannes at sa banda nito, nagawa ko naman pero alam mo ba 'yon after no'n, wala na akong magawa. Ano na nga bang goals ko? Wala." Buntong hininga ko pa. "Noon, nakikipag-ayos na sa akin si Johannes but I ignore him dahil hindi ko matanggap ang mga katotohanan na sinabi niya sa akin, mas lalo ko 'yong dinamdam at hindi pinalampas kaya punong puno ako ng galit sa kanila noon at naiisip ko lang na pabagsakin sila. Ang gulo gulo ko, para lang din ang tanga."

            "Alam mo Megan, dapat hindi mo na lang ginawa 'yon."

            "Ang ano Theo?"

            "Ang gumanti. Alam mo naman ata sa sarili mo na hindi gano'n diba? I've already told you that pero mukhang hindi mo naman iniintindi kaya humantong sa naging ganyan ka na. Kaya kita hiniwalayan kasi nawawala na 'yong Megan na nakilala ko. Nawala ka sa tamang direksyon Megan."

Pinipigilan ko lang umiyak dahil ayokong ipakita na naging mahina ako all the time, gusto ko ipakita kay Theo na kahit anong mangyari, naging mas matatag ako.

Between Me and the StarМесто, где живут истории. Откройте их для себя