Star 16

108 4 2
                                    

Star 16

 

~Megan's POV

"And we danced all night to the best song ever

We knew every line, now I can't remember

How it goes but I know that I won't forget her

'Cause we danced all night to the best song ever"

            And I've finished another song. Ang kulit lang ngayon ng video ko dahil sa kwarto ko lang ako at ang saya lang ng kinover kong kanta ngayon. Ini-stop ko na rin naman ang pagvi-video sa akin ng slr ko. Ang cute lang kasi nito, mas nag-enjoy ako dito sa pagco-cover na 'to tapos alam kong maraming susuporta sa akin kasi kilala na nga ako bilang top online sensation kaya ito ako ngayon, pinapatunayan sa kanila na deserving ako sa pwestong iyon.

            Ongoing na rin ang mga ginagawa kong original songs ko which is gagawin ko ring album na magiging available sa itunes. Gagawan ko rin ng music videos 'yong mga 'yon na to be uploaded sa account ko. Kailangan kong pag-isipan ang lahat ng iyon dahil iyon ang first album so syempre kailangan effort talaga ako kasi alam kong naniniwala sila sa kakayahan ko.

            Singing is my passion and no one could ever change that. Kahit pa anong gawin ko, babalik at babalik din ako sa pagkanta ko. Simula bata, ito na talaga ang hilig ko. Hanggang sa lumaki ako, hindi ako nagkamali na ito nga ang tamang way na nadaanan ko at ngayon, isa isa nang dumadating ang mga blessings sa akin.

            Malapit na rin matapos 'yong recording room ko. Akala ko nga e aabutin pa ng isang buwan para matapos iyon pero in a few days daw ay pwede ko nang gamitin 'yon. Ongoing na kasi 'yong paggawa ng sound proof ng kwartong iyon so, madali na lang naman kapag natapos na 'yon. Mga gamit na lang naman ang aayusin, then viola! Isa na naman sa mga dream ko ang makukuha ko.

            Mayamaya lamang ay may kumatok sa pintuan ng kwarto. Lumapit naman ako at binuksan iyon. Bumungad naman sa akin si Tiffany na panigurado na tatambay na naman dito sa bahay.

            "Oh? Anong fashion 'yan, Megan?" nakataas pa ang kilay niya na nakatingin sa akin habang pinagmamasdana ng suot kong damit from head to toe. At nang balingan naman niya ako ay hindi pa rin naaalis ang taas ng kilay niya sa akin. "Anong meron, saan ka ba pupunta?"

            I shrugged and smiles. "Wala lang."

            "'Yong totoo, Megan?"

            I chuckles, "Oo na, nag-cover ako ng song."

            She glares, "Hindi ka talaga nang-aaya e 'no!" inirapan pa ako nito. "So 'yong Here's to never growing up ang ginawa mo?"

            I shook my head to her. "Iba, ayoko na no'n."

            "Edi ano?" taka pa nitong tanong sa akin.

            "Best song ever, we knew every line, now I can't remember!" tuwang-tuwa ko pa na kinanta 'yong parts ng lyrics na 'yon. Halos mapangangan naman siya sa akin at ako na nagsarado nang bibig niya at inirapan na lang niya ako.

            "Hindi ka man lang nagsabi, napanood sana kita!" aniya.

            "Ano ka ba!" palo ko sa braso niya. "Kapag tapos ko nang i-edit 'yon syempre i-upload ko na sa account ko 'yon. Mapapanood mo rin 'yon, tiwala lang." ngisi at tapik tapik ko pa sa braso niya. Natawa naman ako sa kanya habang siya ay asar dahil hindi ko na naman daw siya sinabihan  na magco-cover ako.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now