Sensation 36

79 2 0
                                    

Sensation 36

 

~Megan's POV

If it was totally in pain, I don't care. Johannes tell everything pero bakit gano'n feeling ko parang ilang buwan niyang pinag-isipan ang lahat ng 'yon para masabi lang sa akin. May mali ako, may mali rin siya. Sinong sisihin namin sa nangyari? Nagkagulo ang pagitan naming dalawa, nagkaroon ng hidwaan kung anong meron kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga sinabi sa akin ni Johannes, hindi ko rin alam kung bakit kailangan niyang magpaliwanag sa akin at sana 'yong mga sinabi ko sa kanya, maipasok niya sa isip niya para ma-realize kung gaano kalalim 'yong sakit na naukit niya sa akin.

—BMATS—

1 month after.

            Concert ko na ngayon, ang bilis ng mga pangyayari. Tila nakalimutan ko na ang lahat ng problema ko. Wala na akong inaalala sa sarili, isa na lang ang naging goal ang mapabagsak ang bandang Before Four at sa ngayon, hindi ko na alam ang nangyayari sa kanila dahil minsanan ko na lang sila makita sa TV and even mall shows at ngayon, mas desidido ako na tuluyan na silang pabagsakin at mas lalong mawawalan na ako ng problema.

           "And we play our favorite songs

           And we scream out all night long

           Like ooh oh

           When it's just me and my girls"

            Ang saya saya. Isang magandang deskripsyon para ipahayag ko kung anong nangyayari sa concert ko ngayon pero habang kinakanta ko na lamang 'yon ay natutulala na lamang ako at bumabalik din naman kaagad sa katauhan at bigay todo naman ako pero babalik din kaagad sa tulala hanggat sa matapos ko ang kanta ay mabilis akong umalis ng stage at lahat ng tao ay nagulat dahil sa biglaan kong pag-alis na iyon.

            "Ano 'yon, Lauren?" tanong naman sa kin ni Jennel.

            Na-e-ewan naman ang feeling ko. "H-hindi ko alam, pero feeling ko may masamang nangyari."

            "Lauren!" napatingin naman kami sa isang staff na palapit sa amin.

            "Ano 'yon?" tanong ko pa. Binigyan naman ako ng isang staff ng tubig para medyo kumalma din ako dahil masyado akong napagod sa ginawa ko kanina.

            "May tumawag sa akin, galing hospital."

            "Ha?" laking pagtataka ko naman sa sinabi niya. "Anong meron?"

            "Nasa hospital ang magulang mo Lauren at pinapatawag ka ng dad mo na pumunta doon ngayon." Aniya.

            Bigla naman akong nabato sa kinatatayuan ko. Sabi ko na nga ba, may hindi magandang mangyayari eh.

            "Lauren, kailangan mong tapusin ang concert mo. Isang oras pa!" sabi naman sa akin ni Jennel.

            Natataranta naman ako kung anong gagawin ko. Nalilito ako. Napaupo na lamang ako sa isang mono block at napahawak sa ulo ko at pinag-iisipan kung anong gagawin ko. Naririnig ko mula dito sa backstage ang sigawan ng mga tao sa pangalan ko at dumadagdag pa 'yon sa pressure ko ngayon.

            Mabilis naman na tinawag ni Jennel ang mga comedians para mag-entertain muna doon sa audience.

            "Lauren, stand up, kailangan mo tapusin ang concert mo." Cheer up pa sa akin ni Jennel pero mas lalo lang ako nahihirapan mag-isip. "Lauren, ano na? You have to finish it!"

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now