Sensation 35

90 2 0
                                    

Sensation 35

 

~Megan's POV

 Huminto naman ang sasakyan gaya ng sabi ko. Napatingin sila sa akin at ako naman ay nag-aalinlangan na buksan ang pinto at para akong naging bato na lamang ay sumandal sa kinauupuan ko. Saka ako tumawa ng bahagya, "Joke lang, sige na, ituloy niyo na."

            "Ang baliw lang Lauren ah." Ngisi pa ni Ara sa akin.

            Napangisi na lang din naman at nilingon ko ang taxi na sinakyan nila doon. At wala na doon ang sinakyan nila. Napabuntong hininga na lang din naman ako. Hindi pa ako handang harapin sila, hindi pa ngayon ang right time para kausapin ko sila. May time para doon, pag-isiipin ko na lang kung kailan... kapag kaya ko na.

            Nang makarating naman kami sa bahay na pinag-i-stay-an naman namin ay dumiretsyo naman ako sa kwarto para magpalit ng damit habang sila ay abala sa magiging celebration ng tour namin kanina. Hindi namin in-expect na dudumugin kami, may stage fright pa nga ako kanina na baka mangyari ulit 'yon dati eh pero hindi, masaya ako na natanggap ulit nila ako at hindi na hinusgahan.

            Nang makalabas naman ako ng kwarto ay pumunta ako sa sala kung saan napansin ko naman na patuloy nilang inaayos ang magiging handaan nila. Beer, cakes, nachos at kung ano ano pa na mapagsasaluhan namin.

            Naupo naman ako sa tabi ni Reese at binigyan naman nila ako ng isang maliit na baso at mag-shot daw ako pero tinanggihan ko naman siya at puro pagkain at tubig na lang ang pinagkukuha ko at sila naman ay patuloy sa pag-inom maging si Ara ay hindi nagpa-awat pero hindi talaga ako sanay na uminom ng mga ganyan eh kaya hanggang softdrinks lang ako.

            Pero nang may ipakita sa amin si Phillips ay iba naman ang naging saya na dumaloy sa akin.

            "Tingnan mo Lauren oh! Nag top-one kaagad sa billboard chart ang album mo! Ikaw na talaga!" ani Ara.

            "Oo nga, shot ka na diyan!" pagpupmilit pa ni Reese.

            And in the end, wala akong nagawa dahil pinilit talaga nila akong uminom kahit isang shot lang daw at ayun, nainom ko naman. Ang sakit lang sa lalamunan at ang init na parang nasusunog at iyon na ang last time na pag-inom ko.

            Habang nagkakasayahan naman sila, hindi ako kumikibo kundi pinapapak ko lang din 'yong pagkain na nasa harapan namin. Lasing na lang ang iba sa amin.

            "Oh! Lauren, bakit ka umiiyak?"

            "Ha?" napakunot noo naman ako kay Lord. At pinunasan ko naman ang pisngi ko na basa nga sa luha at inilingan ko naman siya para sabihing wala lang iyon. Hindi ko lama kung bakit may tumuloy mga luha sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako. Ramdam ko naman na welcome ako sa kanila pero bakit feeling ko, ang layo ko sa mga kasama kong ito. Hindi ako belong sa kanila.

            "Sige, maiwan ko muna kayo ah?"

            Hindi naman nila ako pinansin dahil enjoy na enjoy naman sila sa ginagawa nila at medyo may mga tama na rin sila. Kaya tumayo na lang ako palabas ng bahay, feeling ko mas pakikisamahan pa ako ng malamig na kapaligiran ito at sa ilalim ng madilim na kalangitan, at mga bituing nagni-ninging sa kalangitan.

            Umupo na lang ako sa damuhan doon, malinis at walang kalat. Niyakap ang mga binti ko at nakatingin lang sa mga dumadaan na sasakyan.

            Malayo na ba ang narating ko?

            May nagawa na ba akong tama?

Between Me and the StarKde žijí příběhy. Začni objevovat