Sensation 29

87 3 0
                                    

Sensation 29

 

"What the—so amazing!" sabi ko ng makita ko ang views ng music video ko. Halos pumutok na kaagad sa ilang milyon ang views ng music videos ko na iyon. Agad agad kong lumabas ng kwarto ko para puntahan ko sina mom at dad para ibalita sa kanila 'yong nangyari sa video ko ngayon.

            Natakot at nataranta pa sila sa akin ng makita nila ako na mangiyakngiyak dahil sa isang milestone na naman sa buhay ko. Tinanong nila sa akin kung anong nangyari sa akin, baka na naman daw lalaki 'yong iniiyak ko pero natawa na lang akong hinatak ko sila papunta sa kwarto ko tapos nanginginig pa akong pinakita sa kanila ang million views ko.

            Niyakap ko na lamang sila at sila naman ay hindi nila alam kung anong sasabihin sa akin kaya niyakap na lang din naman nila ako. Hindi ko in-expect na ganito na naman ang mangyayari sa akin, na isang successful video ko na naman ang natamo ko. Siguro, mas maganda nga talaga na ipursigi koi tong pagiging online sensation ko dahil dito ako mas nakikilala at mas napapatunayan ko kung anong klaseng talent ang meron ako at alam kong napatunayan ko naman sa kanila kung anong gusto kong ipakita sa kanila.

            Matagal ko ng gustong gawin ang gumawa ng sarili kanta pero lagi akong nawawalan ng time, wala akong inspirasyon para makabuo ng isang kanta pero sa isang pangyayari, sa sandaling oras na nagawa ko iyon, sa mga pagod na pinaglaanan namin nila Kurt, Tiffany at maging si Theo ay alam kong pati sila tuwang tuwa sa natamo ko ngayon.

            This is so unexpected.

            "Oh sige na, mag-ayos ka na baka mahuli ka pa sa mall show niyo." Ani dad.

            Pinunasan ko naman ang mga luha ko. Tears of joy ang mga ito.

            "Alam ko naman na kayang kaya mo gawin 'yan Megan, bilib kami sa talent mo kaya masaya kami kung nasaan ka ngayon." Sabi pa ni dad sa akin.

            "Oo nga sweetie, saka kapag may dumating na opportunity sayo, ikaw na bahalang mag-isip doon pero nandito kami para sayo na handang sumuporta." Ang sweet naman ni mom.

            Muli ko naman silang niyakap. At iniwan na lang din naman ako sa kwarto ko. Habang pinapanood ko ang music video ko ay hindi pa rin ako makapaniwala na naabot ko ang ganitong views pero may mga videos naman ako na umabot na ng pero ilang buwan na ang nakakaraan noon pero ito, hindi ako makapaniwala na isang araw lang ang naging pagitan. Ganito kaagad ang nakuha kong feedback at isama mo pa ang mga positive comments nila.

            Nakakatuwa lang basahin na bilib na bilib sila sa akin. Na ang sarap sarap sa feeling na 'yong pinaghirapan mo, na-appreciate nila 'yong kakayahan ko. Hindi ko ma-take 'yong feels ko sa tuwing ini-scroll down ko ang comments at puro positive comments lang ang nababasa ko hanggat sa may isang comment lamang ang nagpakunot ng noo ko.

            Napatigil ako doon at binasa ng mabuti ang comment niya.

            JohannesWesley: Wow? Really? You'd take millions of view in just 1 day? Well, gaya nga ng sabi nila kapag nakita sa TV magpapasikat ka na at syempre para marami nang sumuporta sayo at 'yon naman ang nakita ko sayo. But then, your song wasn't good enough. Hinding hindi mo mapapantayan kung anong kasikatan ang dala namin ngayon. You're nothing but a loser, sleepheaded Megan.

            Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa mga sinabi ni Johannes sa akin. Pinapatamaan niya ako sa mga salita niyang iyon. Oo sabi mo nga, hindi ko mapapantayan kung anong kasikatan ang dala niya ngayon pero ano namang mapapala ko doon sa kasikatan mo kung meron naman akong mga supporters na patuloy lang sa pagkahilig sa mag videos ko.

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now