Sensation 32

82 2 0
                                    

Sensation 32

 

~Megan's POV

It was a blast. Hindi ko in-expect na tatanggapin pa rin ako ng mga tao pero atleast ngayon naipaliwanag ko na sa kanila 'yong side ko. Alam kong maraming nagulat sa pagbabalik ko kasi ang alam ng lahat ay wala na ako pero nagkakamali pala sila doon at alam kong sa ikabubuti ko rin naman na pinalitan ko ang pangalan ko to Lauren Schnittka.

            Wala naman makakapigil sa akin dahil ito ang gusto kong gawin.

            "Masaya ka na ba?" tanong sa akin ni Theo.

            Napakunot noo naman ako sa kanya. "Ano naman 'yon Theo?"

            "Wala, pansin ko lang kasi parang bumabalik ka na sa dati." Aniya.

            "Theo, 'wag mo na ako ikumpara sa dating ako, malayong malayo na ako do'n at kahit kailan hindi ko na babalikan 'yon dahil puro sakit lang ang dinala sa akin no'n."

            Wala na naman siyang sinabi pa sa akin. Nasa donut store kasi kami at hindi ko naman akalain na kanina ay dudumugin ako ng mga tao sa paligid, ang iba pa ay nagulat ng makita nila ako. May mga ilan na nagpapa-picture sa akin kaya hinayaan ko na lang din naman sila kaya ayun, hindi na nila kami ginugulo ni Theo dito sa private part ng store.

            "Ano nang gagawin mo after?" tanong naman sa akin ni Theo.

            I shrugged, "Wala pa akong projects eh so maghihintay na lang ako sa sasabihin ni Jennel sa akin." Tugon ko naman sa kanya.

            Mayamaya lamang ay natapos na rin kami sa pagkain namin at napagpasyahan naman namin na umalis na pero palabas pa lamang kami ng donut store ng may nagpa-picture sa akin. At muli na naman akong dinagsa ng mga gustong magpa-picture dahil medyo naiirita na ako ay lumayo na ako sa kanila at hinanap ko si Theo na nawala sa tabi ko.

            Nang makita ko naman ito ay malayo na sa akin. Nakapamulsang nakayuko habang naglakakad.

            "Theo!" tawag ko pa sa kanya.

            Tumingin naman ito sa akin ng ilang saglit at muling naglakad palayo na sa akin. Napakamot na lamang ako sa ulo dahil hindi ko maintindihan kung bakit iniwan na lang din niya ako. Hindi ko na naman siya nagawa pang habulin dahil sobrang layo na niya sa akin kaya pumara na lamang ako ng taxi at umuwi na lang ng bahay.

            Pero nang maabutan naman ng taxi si Theo ay tinawag koi to pero parang bingi na hindi ako pinansin.

            "Theo! Ano ba!" sigaw ko sa kanya at napahinto naman ito ng paglalakad at lumingon lang sa akin. "Tara na!"

            Nginitian niya ako at inilingan, "Sige, Megan, uuwi na rin naman ako."

            "Kaya nga, sumabay ka na." I rolled my eyes.

            "No, Megan, okay lang."

            "Bahala ka nga diyan, ang arte." Tugon ko naman sa kanya.

            Tumuloy na rin naman ang taxi hanggat sa makarating sa bahay namin. Nang pagbukas ko ng pinto ng bahay ay bumungad naman sa akin sa sala si Tiffany.

            "Anong ginagawa mo dito?" mataray kong tanong sa kanya at hindi umaalis sa kinauupuan ko.

            "Megan."

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now