Sensation 26

87 3 2
                                    

Sensation 26

 

It was a big success. In one word, unexpected. Hindi ko akalain na gano'n na lang tatangkilikin ang compilation album naming mga online sensation. Magkakaroon na rin kami ng album tour which is sa mga malls nga atleast kahit papaano mabigyan namin sila ng happiness sa kung anong binigay nila sa amin na karangalan.

            Habang nabo-browse naman ako sa internet at napunta ako sa 100 billboard charts. Hinanap ko kaagad ang pangalan ng album namin doon na Sensation Forever. At halos lumuwa na ang mga mata ko ng makita ko ang pangalan ng album namin sa top 1. Mas hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito. Oo hindi kapani-paniwala na naging mabenta ang album namin tapos ito pa ang makikita ko na nag-top 1 kami.

            Agad ko namang tinawagan si Tiffany sa magandang balita na nakuha ko na naman.

            "Ano 'yon, Megan?!" gulat pa nitong tugon sa akin.Natataranta naman ako, "Easy ka lang Megan, okay? Ano ba 'yon?"

            "Wait, kasi!" hindi ko na ma-contain ang feelings ko at panigurado na nilayo niya ang cellphone niya sa tenga niya dahil sa pagtili ko. Nang magsalita naman muli siya, "Tiffany! Nagtop 1 ang album natin sa 100 billboard charts!"

            At mukhang nalipat naman kaagad sa kanya ang feels na nararamdaman ko. "OMG! Seriously Megan? Hindi ko in-expect 'yan!" aniya. "Wait, pang-ilan naman ang Before Four?"

            Nang tingnan ko naman muli ang screen ng laptop ko at nakita ko na pumapangalawa lamang sila sa amin. Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam pero sinabi ko na lang din naman kay Tiffany na pangalawa lang ang album nila Johannes.

            "Sige, iku-kwento ko rin 'to kay Arjay! Ba-bye!" at agad naman nitong binaba ang cellphone niya.

            Kahit binaba naman ng bruha ang phone ay hindi ako nabadtrip kundi mas nangibabaw pa ang mga ngiti ko. Ewan ko pero ang inaasahan ko talaga na mas tatangkilikin ang 'yong album nila Johannes pero nakakabigla lang dahil mas naangatan pa namin sila. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila dahil last time na nakausap ko si Johannes, I feel the guilt in me. Oo nagsinungaling ako sa kanya para hindi na niya ako lapitan, para hindi na niya ako kulitin pero hindi ko naman alam na seseryosohin pala niya na boyfriend ko talaga si Theo.

            Alam kong nakasakit ako pero hindi ko na kasalanan 'yon. Umiiwas lang ako sa kanya.

            Ngayon i-ce-celebrate ko na lang din ang pagiging success namin.

~Johannes's POV

"Shit!" sipa ko sa cabinet. Hindi kasi ako makapaniwala na naungasan ng sales ng mga online sensations ang album namin. Alam ko na naman sa sarili ko na kami ang magiging mabenta pero hindi ko aakalain na mas papatok pa pala ang compilation album nila.

            "Kuya ano ba!" biglang dumating si Cara sa kwarto ko na nakabusangot ang mukha. Kahit naman ako, sino bang hindi maiinis na 'yong pinaghirapan ko, mababalewala lang ng gano'n. Alam kong deserve kami bilang high sales pero bakit ganito? Mas mabilis silang ma-out of stock kaysa sa amin. No way. "Ang ingay ingay mo!"

            "Go away!" pangtataboy ko naman sa kanya.

            "Ano bang problema mo kuya?!"

            "Were just on the second spot? How could I be fine with that, Cara?"

            She glared. Pinangamaywangan niya pa ako then she rolled her eyes, "Ang babaw naman ng problema mo kuya."

Between Me and the StarWhere stories live. Discover now