Napadaing si zimon at na-alerto naman ang lahat, nagsimula ng magsilabasan ang mga tauhan ni zimon kaya nagsilabasan na din sila stepher. Nagsimula na ang laban kaya hinarap kong muli si zimon na galit na galit sakin.

"Traydor ka!" Ngumisi ako at nilabas ang baril ko.

"Did you forget who am I, zimon?"

"Zimon!" Napatingin kami sa bagong dating at nakita namin sila Mrs. Vic. Napatingin ako kila zyzeir at naguguluhan ako.

"Nakawala sila sa sasakyan kanina" sambit ni clyde na kinakunot noo ko.

Agad akong umiwas ng batuhin ako ng dagger ni Mr. Vic.

"Ako ang kalabanin mo!" Sigaw ni daddy na kakadating lang, kasama niya sila mommy.

"Plan b!" Sigaw ko kaya tumango sila sa akin.

Mabilis akong lumapit kila zyzeir at agad kong tinignan ang mga anak namin.

"Malaking gulo na ito" tinignan ko si zyzeir. "Umalis na kayo dito"

"How about you?"

"Hindi ko pwedeng iwan ang pamilya ko kaya please, iligtas niyo ang sarili niyo. Stay away here"

"No---"

"I'll be safe"

"Tutulungan kita!"

"No, you can't! Hindi mo kilala ang pamilyang vic"

"Kaya ko sila, zyra! Lalo na kapag naiisip kong sila ang pumatay sa daddy ko!"

"Hayaan mong ako ang gumanti, zyzeir. Ayokong madumihan ang mga palad mo"

"Mommy, daddy, are you both fighting?" Tanong ni zylla kaya napatingin kami sa kaniya.

"We're not" ngumiti ako. "Go with you daddy"

"How about you, ma?" Tanong ni zyrox kaya hinawakan ko ang buhok niya.

"I'll be fine" lumayo ako sa kanila. "Go away"

"We love you, mommy!"

"I love you all, always remember that" tinalikuran ko na sila at agad na akong sumugod sa mga kalaban.

Nilagtawan ko ang tumbang puno at agad sinaksak ang isang red group. May sumugod naman agad na dalawa sa akin kaya mabilis kong pinalipad sa kanila ang isang dagger ko at sapol yun sa isa habang ang isa naman ay agad kong sinikmura.

Napatingin ako kay mommy at Mrs. Vic na naglalaban na kaya hindi ko alam kung makikisali pa ako. Tinulungan ko na lang si luck na kalabanin si zaimon, mabilis akong tumambling at sinipa si zaimon ngunit mabilis siyang naka-ilag. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin kaya umikot ako at agad siyang sinugatan sa likod na agad niyang kinadaing.

Hinawakan ni luck si zaimon sa kwelyo at agad itong sinuntok, ngumisi si zaimon at agad gumanti kaya nagsalitan na sila ng suntok. Habang pinapanood ko sila agad akong napadaing ng hiwain ni sydney ang braso ko, tsk, buhay pa pala ito?

"What's up, zyra" ngumisi ito at agad akong sinipa na agad kong inilagan. Gumanti din ako at dahil hindi niya iyon nailagan agad siyang nasalampak sa sahig. Pinunasan niya ang labi niya at agad siyang tumayo.

Umamba siya na susuntok kaya natawa ako.

"Para ka pa ring kalansay, friend"

"Shut up! And fight with me" ngumisi ako at tumango, umikot ako papunta sa likod niya at agad siyang sinakal.

"Really? Then, make a move and you'll die" siniko niya ako sa tagiliran kaya nasakitan ako nun at nabitawan siya.

"See? I make a move---" agad siyang natumba ng barilin siya, ngumisi ako sa malayo dahil alam kong sila yun. May mga hidden agent akong kasama at sa tuwing pipindutin ko ang bolang pula sa belt na suot ko agad na babarilin nila ang kaharap ko.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now