Chapter 45: Back to School

Start from the beginning
                                    


"Oy Sagi what's with the smile?" kunot noong puno sa kanya ni Jin.


"Hmm? Hehe naaah~ don't mind me its nothing." tugon naman ni Sagi na di pa rin naalis ang ngiti.


"Ou nga. Magkaanu-ano ba talaga sila? Tingin ko may relasyon ang dalawang iyon ayaw lang umamin ni Jasmine."


"Ganyan din ang tingin ko. Kasi grabe na lang kung tignan sya ni Zach. Palaging binabantayan at ayaw mawala sa tabi niya."


"Oh baka nanliligaw pa lang kasi si Zach at pakipot pa si Jasmine. Sinisigurado kung totoo ang nararamdaman bago niya pakitaan na may pag-asa si Zach. Omaygash! So kakilig naman!"


"Ang tindi talaga ng imagination ninyong mga babae. Porque ganun sila kaagad? O kaya nanliligaw na?"


"Eh paano mo maipapaliwanag yun, aber?" nakapameywang at taas kilay pang ganting tanong ni Nicka.


"Haha tama na yan. Hindi naman kasi sila. Ganun lang talaga ang dalawang iyon." paglilinaw ni Lilian sa sitwasyon ng dalawa.


"Oo nga. Parang sina Sagi at Lilian lang." dugtong ni Leo na nakangiting nakatingin kay Lilian at Sagi na magkatabi at tinitignan ang mga litrato.

"Eh?!" nagulat naman si Sagi sa sinabi ni Leo. Baka kasi kung ano isipin ng mga kaibigan nila. Napalayo tuloy sya ng bahagya kay Lilian.


"Oo nga Sagi at Lilian! Ano na bang standing ninyo?" naiintrigang tanong ni Jin ngunit sa totoo lang ay nagbibiro lang talaga sya.


"Standing?" walang ideyang tanong ni Lilian.


"Ano bang pinagsasabi ninyo. Mali kayo ng iniisip. Masyado kayong malisyoso." depensa ni Sagi na halatang iritado. Natawa naman ang mga kaibigan nya sa kanyang reaksyon.


Samantala sa bayan ng Sequoia...

*achoo* *achooo* "Haaay. Ilang beses na ba akong nabahing? Hindi naman malamig ang panahon. Tsk!" inis na bulong ni Bleak sa sarili habang naniningkit ang mga mata.


Tahimik lang sya na nakaupo sa kanyang upuan habang naghihintay na magsimula ang klase. Halos ilang minuto lang naman ay malapit ng tumunog ang bell hudyat na simula na ng klase at mananahimik na ang mga kaklase niya na akala mo isang taong hindi nagkita sa kaingayan. Kanya-kanyang silang kuwento ng mga pinagkaabalahan nila noong bakasyon.


Kanina pa din sya nakikiramdam sa paligid. Baka kasi nariyan na naman ang kanyang dyosa na si Jasmine at binabantayan sya. Mahigpit kasi niyang bilin na huwag syang susundan nito o babantayan dahil di sya komportable na nararamdaman ang presensya ng kanyang dyosa sa paligid.


"Mabuti naman at wala sya. Mukhang nagkaintindihan naman kami kanina."


Sa bayan naman ng Arabale...

Paalis na ng kanilang bahay si Cashmere at binilinan na niya ng maigi si Camellia dahil ito lang mag-isa ang maiiwan sa bahay. Ito ang unang araw niya sa pagpasok sa eskwelahan na nilipitan niya kasabay ng paglipat niya sa bayan.

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now