Treatment

9.6K 182 14
                                    

Steph.

 

All of us hurriedly went to the hospital after hearing the news. My mom almost fainted and Jayson couldn't stop cursing. Muntik na akong naiwan sa bahay dahil walang pumansin sa akin. Kung hindi pa dumating si Kuya Ezekiel ay hindi na ako makakapunta ng hospital.

He was clueless on what is happening but the moment we arrived in the hospital and found out that Zeph was severely injured ay hindi na napigilan ni Jayson ang magwala. Kung hindi pa ako naprotektahan ni Kuya Ezekiel ay malamang nasaktan na ako ni Jayson.

"You selfish bitch! See what happened?! I swear, Steph, kapag si Z-zeph... Kapag may masamang nangyari sa kanya, I-I'll let you live in hell!" Sigaw sa akin ni Jayson habang pinipigilan siya ni Kuya Ezekiel.

Walang lumalapit sa akin. I cried and cried and uttered my prayers. Kung sa normal na sitwasyon, niyayakap na ako ngayon ni Mommy at inaalo. My mom could have defended me and tell them that I didn't do anything wrong.

Pero ngayon, kahit na anong pagtatakip at pagtatanggol sa akin ni Mommy ay wala ng saysay. Everybody knows that I am at fault. I, myself, believe that I am at fault.

Naramdaman ko ang paninigas ng tiyan ko. Halos kapusin din ako ng hangin kaya pinilit kong umupo ng maayos at huminga ng maayos. God, is this your way of telling me how evil am I to my sister?

 

Pati ba ikaw anak galit sa akin? Do you also hate me?

 

Hindi ko akalain—-hindi ko kailanman naisip na aabot ang lahat sa ganito. I was just taking back what is mine kaya akala ko okay lang. Pero mali ako. Mali ako. Bakit ko nagawa ito sa kapatid ko? Paano ko nagawang sikmurain na manloko at mamblack mail para lang makuha ang gusto ko?

I heard my mom uttered her prayers. Si Kuya Ezekiel nakaupo sa tapat ng emergency room na kahit alam kong lasing ay parang gising na gising parin. He must be shocked from all these things.

Makalipas ng halos isang oras ay may lumabas na doctor at hinanap agad ang pamilya ni Zeph.

"I am the father of the patient. Kamusta po ang anak ko, doc?" Lumapit ako sa kanila pero hindi ko na nagawang makalapit gaano dahil hinawakan ako sa braso ni Kuya.

I shook his hands on my arm ngunit tinignan niya lang ako ng masama. Hindi ako nakakilos at nagbaba na lang ako ng tingin. Siguro nga'y pati siya ay malaki ang galit sa akin kahit na hindi niya pa naririnig ang  buong kwento.

"Tatapatin ko po kayo. The patient got a lot of injuries. Her ribs are broken, good thing okay naman po ang result ng ct scan but the most serious one is the splenic rupture. Because of this nagkaroon ng severe internal bleeding at kailangan na kailangan ng tanggalin ang spleen niya bago ito tuluyang maging fatal." The doctor said.

"Then do whatever is needed. Don't mind about the finances." Jayson butt in.

"Iyon naman po ang gagawin naming kaya lamang po—-"

 

"Kaya lang ano? Are your facilities not enough for her condition? Madali lang ang surgery na iyon!" Jayson cut him off.

No Love Involved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon