The Confusion

8.9K 194 17
                                    

Zeph.

 

 

“How are you, Ces? Nakatulog ka ba ng maayos?” I asked her as she emerged from the guest room. She smiled at me weakly but nodded.

“I did. Pansensya na kahapon. I think I was so dramatic.” She said apologetically.

“Walang kaso iyon. I fully understand.” I said at saka ko siya niyayang kumain. Jayson is already in the pool and he said that he’ll wait for us there.

Nagtungo kami sa pool area at naninibago ako dahil sobrang tahimik ni Cecilia kumpara sa kung paano niya ako daldalan kahapon. Siguro nga ay nasasaktan pa siya. And I don’t want to ask anything about it. It’s not all the time ay dapat akong makialam.

“Diretso ka na ng pool, I’ll just get the juice.” Tumango siya at ako naman ay dumiretso sa kusina para kunin ang fresh juice na inihanda ko kanina. Nang makuha ko ito ay pumunta na ako sa pool area at nadatnan ko silang nag-uusap.

They looked so serious. Perhaps they are talking about Ces’s problem. Mahirap nga naman ang sitwasyon niya but of course that’s better than being cheated. At least alam niya na kaya sila hindi pwede ay dahil iba ang preference nung boy friend niya at hindi dahil hindi siya sapat para sa kanya.

Nang malapit na ako ay sabay silang napatingin sa akin at napansin kong napailing si Cecilia. Para siyang dismayado at si Jayson naman ay parang magmamakaawa. Siguro nga ay importante at seryoso ang pinag-uusapan nila kanina.

“Come on, let’s eat. Ahon na diyan.” Ngumit sa akin si Cecilia at saka siya tumayo para kumain sa mesa. Samantalang si Jayson naman ay nanatiling nakalubog sa tubig.

“Hindi ka kakain?” He gave a sly grin and he gestured his head saying to lean closer to him.

“I want to eat. Can you strip now?” Kumunot ang noo ko sa binulong niya pero hindi nagtagal ay naintindihan ko rin ang sinabi niya.

“You’re so pervert!” Kinutusan ko siya ng malakas ngunit imbes na magalit ay tumawa lang ito ng pagkalakas lakas.

Tumingin ako kay Cecilia pero natatawang umiiling na lang siya sa kambal na parang alam niya kung ano ang ibinulong nito. What will I expect? Kambal sila at malamang alam nila ang likaw ng bituka ng bawat isa.

I rolled my eyes and stood up. Wala akong mapapala sa kanya kung hihintayin ko pa siyang umahon. Kaya nga lang ay hindi pa ako nakakahakbang palayo ay naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa aking paa.

No Love Involved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon