The Start Of Chasing

8.4K 181 21
                                    

Zeph.

Sapo-sapo ko ang aking ulo ng habang naglalakad papuntang kusina. Gabi na at talagang nagugutom na ako, kaya siguro nahihilo na ako. Halos maghapon lang kasi akong natulog dahil parang ang bigat ng katawan ko. Jim said I just need to rest dahil flu lang naman ito at may halong stress na rin. He ordered me to take a rest and eat healthy foods kaso hindi ko naman nasunod. He will surely freak out kapag nalaman niyang ang huling kain ko pa ay ang agahan na inihanda niya.

Well, wala naman ako balak na magpabuko sa kanya kaya heto kahit nahihilo ay pinilit kong tumayo para magtingin ng kakainin. kaya ganoon na lamang ang kasiyahan at pasasalamat ko ng makita ko ang mga naka-container na mga pagkain. I think I'll just need to heat this and my growling stomach will be happy.

I was in the middle of re-heating the food when I heard a buzz from outside. Automatically, my eyesight flew to the wall clock at napangiwi ako ng makita kong pasado alas siyete na. Jim said he'll be here before eight at paniguradong kapag nakita niya ang mga pagkain na hindi nabawasan ay pagagalitan niya ako.

Pero ano pa bang magagawa ko? Kesa naman lalo akong pagalitan sa pagsisinungaling edi i-welcome ko na lang siya dito sa unit ko tutal hindi yun makakatiis sa akin.

Binuksan ko ang pinto ng unit ko at ganoon na lamang ang pagtatakip ko ng tenga ng sigaw agad ang bungad niya sa akin.

"Zephanie Torres! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?!" Sigaw niya pero agad-agad naman siyang huminahon ng makita niyang sapo-sapo ko ang aking ulo.

"Ano bang nangyari sayo? You got me so worried." aniya sa mababang tono at kinapa ang noo ko.

"Headache." I said. Para akong matutumba sa hilo dahil parang binibiyak ang ulo ko kaya naman agad-agad niya akong pinangko at pagkatapos ay inihiga sa sofa.

"Have you eaten?" Umiling ako na nagpagalit na naman sa kanya. I bet kung hindi lang ako nanghihina ay tiyak na kanina niya pa ako binatukan. Kaya imbes na batukan ako ay sunod-sunod na mura ang lumabas sa bibig niya.

"Relax, Jim. Hindi ako mamamatay." Biro ko pero hindi naman siya natuwa. Pero kahit na ganoon ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sa aming apat na magkakaibigan, o.a talaga siya pag nagkakasakit kami.

Pumunta siya ng kusina at pagbalik niya ay dala-dala niya na ang pagkain kasama ang isang basong gatas at mga gamot ko.

"Eat so you can take your med." Inabot niya sa akin yung mga plato matapos niya akong iupo.

"Jim, will you stay here tonight?" I asked him. Ewan ko ba, para kasing ayokong mag-isa. Pakiramdam ko wala akong ganang mabuhay kung mag-isa ako samantalang dati ay mas gugustuhin ko pa ang mag-isa. Malaki na talaga ang ipinagbago ko at hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba yon o hindi.

"I will stay here until you recover. Naka-leave na ako. Baka kasi magbigti ka eh. Hahahaha." Sabi niya at sinamaan ko lang siya ng tingin.

"O.a ka. Hindi ako kailanman magbibigti. Mahal ko buhay ko."

"Ows? Bakit parang ayokong maniwala?" Aniya at ngumuso ako dahil sa totoo lang kahit nagbibiro siya ay nasasaktan ako dahil tama siya. Sa ginagawa ko ngayon parang hindi ko nga mahal ang sarili ko.

"Jim, bobo ba ako for entering this set up?" Bigla kong tanong na ikinatigil niya. Maya maya pa ay nagbuntong hininga ito at saka kinuha ang kutsarang hawak ko at sinimulan niya akong subuan.

"Minsan nagtataka ako kung Psychologist ka ba o hindi. Hindi mo alam ang tama sa mali kapag ikaw na ang involve eh." Sabi niya.

Sa totoo lang sampal sa akin ang sinabi niya but as for now, I don't want to hear sugar coated words. I want to be slapped with the fucking truth that what I did was a mistake. One way or another, I risked myself for a painful blow. Yun kasi ang hindi ko ipinaghandaan. Hindi ko naman kasi alam na maiinlove ako ulit.

"Give it up, Zeph. Okay?" Jim said and he patted my head. He smiled to me as if telling me to give up so I can be happy.

Should I be giving up now?

Mapait akong ngumiti. Ibang klase talaga ang kapalaran. "May curse ba ang friendship natin? Parang lahat tayo sawi sa pag-ibig."

He gave me a smug look at saka ako binatukan. "Aray naman! May sakit ako oh!"

"May sakit ka lang pero pati pagiging logical mo nawawala. Lahat tayo nasa science deparment baka nakakalimutan mo. Nasa pagdedesisyon yan! Hindi sa kapalaran!"

Tumawa ako ng mahina. Alam ko naman yun eh. Naghahanap lang siguro ako ng masisisi kasi alam ko sa sarili kong mali ako.

"Jim, upo ka dito gawin kitang unan." Umupo naman siya sa sofa at pagkatapos ay humiga ako sa lap niya. I was expecting him to comb my hair using his fingers but he didn't. Instead, he grab my hand and started massaging it.

"Bakit hindi mo suklayin ang buhok ko? That will surely make me sleep."

He hissed and even pressed my hand harder. "If I know nagawa na 'yon ng Jayson mo kaya wag na."

"Paano mo nalaman?" Wala naman kasi ako pinagsabihan noon.

"You're so easy to read. Never mo pa pinagawa sa akin ito kahit na ang tagal na natin na magkaibigan at kahit pa wala kang tiwala sa ibang doktor kaya ako lagi ang binubulabog mo pag may sakit ka." Aniya na may kahalong pang-aasar.

"You really know me well." I said.

"Of course my dear." He answered.

Napaisip ako. Bakit hindi na lang ako lumapit kay Jim noon? Panigurado hindi siya maiinlove sa akin at walang hassle sana. "Bakit hindi na lang ikaw ang mambuntis sa akin?" Sabi ko na ikinagulat niya ng sobra.

"B-baliw ka talaga!" Sabi niya at saka binitawan ang kamay ko. Tumingala ako para makita ang mukha niya pero umiwas ito ng tingin. Naningkit ang mga mata ko, masyadi naman ata siyang affected sa sinabi ko? What's wrong with that?

"Jim, do you happen to like me? I mean like as a woman?" Diretsa kong tanong.

I felt his muscle tightened and I saw beads of sweat on his forehead. "A-anong???..." Tila nauutal niyang tugon. Hindi ko tiloy mawari kung ano ang nangyayari sa kanya.

"Hoy, Jim! May gusto ka ba sa akin?" Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pilit na tumitig sa kanyang mailap na mga mata.

"W-wala..." Aniya pero hindi ako naniniwala. Lumapit ako sa kanya. I cupped his face and saw him gulped for a few times. His lips are also trembling and his eyes kept on moving.

Lumapit ako ng lumapit sa kanya hanggang sa isang dangkal na lang ang layo ng mukha ko sa mukha niya. Halos nakadagan na rin ako sa kanya at sa totoo lang ay hinihintay ko na may maramdaman tulad ng nararamdaman ko kay Jayson.

"Look at me, Jim..."

"Z-zephanie..." he said hesitantly nevertheless he looked back at me. He looked at me in the eye as I moved closer to him. I want to kiss him. I want to know how doea it feel to kiss other men. I want to find a distraction and Jim is a good one. He's one of a gorgeous guy!

Ngunit bago pa man lumapat ang aking mga labi sa kanyang mga labi ay halos mapatalon ako sa bosea na umalingawngaw sa buong unit ko.

"Don't you dare, Zeph!!! Don't you dare!"

And there he is, fuming mad like he's going to kill anyone.

"J-jayson..."

No Love Involved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon