To Stay

8.2K 176 18
                                    

Zeph.

 

I heaved a very deep sigh for the nth time. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Bukod sa kagagaling ko lang sa sakit ay ngayon naman ay sobra-sobra ang pag-aalala ko sa taong ito. Anong oras na, nakaalis at nakabalik na rin ako pero hindi pa siya nagigising. Jim said he’s okay pero kanina kapag ipapatanong ko ang aking kamay sa kanyang noo ay napapangiwi ako sa sobrang init nito. Mabuti na lamang at hindi na ito mainit ngayon.

Nakaupo ako sa tabi niya na nakahiga. Ilang beses ko na siyang pinunasan at binihisan dahil pinagpapawisan din siya. Nakakatawang isipin na noong ako ang may sakit hindi niya ako inalagaan, ni hindi niya nga napansin noon na may sakit na ako, imbes inaway pa niya ako at pinaiyak.

Pero ano pa nga ba? Mahal ko eh. Kahit na alam kong hindi niya ako mahal.

Kinusot ko ang aking mga mata. Inaantok na rin ako. Alas-onse na ng gabi at ilang oras din akong umiyak kanina. Kailangan ko ng magpahinga baka mamaya ay magkasakit na naman ako. Humiga ako mula sa pagkakaupo. My heart started to beat so fast. Ilang araw ko siyang hindi nakatabi sa pagtulog and I must admit that I missed him terribly.

Humarap ako sa kanya at pinagmasdan ang kanyang mukha. Medyo nakakunot ang noo niya, malayong malayo sa maamong mukha na lagi kong nakikita. Oo, playboy siya o siguro bad boy para sa iba but his eyes tell differently. His eyes are soothing to soul no doubt I got hooked.

I touched his cheeks at kissed him shortly on the lips.

“Kung sana kasi mahal mo ako… Kaso hindi… Why do I have be hurt like this? C-can’t you just l-love me?” I said. I know he can’t hear me but I don’t have the guts to tell and ask those things kapag gising siya. Natatakot ako. Natatakot ako na baka mapahiya ako at masaktan lang.

Because I am destructively in love with him. Greater than what I felt for Miguel. Greater than the love I have for myself. Great enough to destroy myself while I am this crazily in love with him.

I sighed. Ang hirap magmahal! Kaya minsan hindi na ako magtataka kung maraming taong ayaw magmahal kasi hindi pwedeng hindi ka masasaktan. Pero sino ba ang niloloko natin? Hindi natin napipigilan ang pagmamahal. Dahil kung pwede lang edi sana wala ako sa sitawasyon na ito ngayon.

Inayos ko ang comforter na nakabalot sa kanya at saka tumalikod. I closed my eyes. Pilit kong pinayapa ang aking damdamin at unti-unti kong naramdaman ang pagdaloy ng kapaguran sa buong katawan ko.

But even before I could finally sleep, I felt him move a little. Hinayaan ko na lang. I kept my eyes closed and I didn’t move. Okay lang naman siguro siya. Pero halos magwala ang puso ko ng magsalita siya.

“Baby…” Aniya sa paos na boses. Gusto kong murahin ang sarili ko. Yun pa lang ang sinasabi niya pero nagtatatalon na sa kabaliwan ang puso ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi pwede. Kailangan kong rendahan ang puso ko. Please, Zeph. Maawa ka sa sarili mo.

Hindi parin ako gumalaw. Hindi rin ako nagsalita hanggang sa naramdaman kong gumalaw na naman siya. At lalong hindi ko inasahan ang ginawa niya.

No Love Involved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon