The Twins

8.7K 197 24
                                    

Jayson.

"As much as I want to stay, kailangan ko ng umalis. Zeph might be waiting for me now." I said. Tumigil siya sa pagkain at lumingon sa wall clock. She grimaced when she saw that it's already seven in the evening.

"Ngayon ka na nga lang nakasama ng maghapon, ang bilis pa ng oras." Ibinaba niya ang kutsara at tinidor na hawak ng makita niya akong tumayo para kumuha ng tubig sa fridge. Hindi ko namalayan na lumapit na pala siya sa akin kaya ng pagharap ko ay halos magdikit ang mukha.

Naiilang akong umiwas habang siya naman ay natatawa na lang. "I'm g-going." Humakbang ako paatras pero nagawa niyang hawakan ang braso ko at sa isang iglap ay nakahalik na siya sa pisngi ko at saka niyakap ng patagilid.

Hindi ko alam kung paano magrereact dahil sa totoo lang parang hindi na ako komportable sa ganitong bagay. Dati naman ay ginagawa ko ito sa kahit na sinong babae pero ngayon ay hindi na talaga ako komportable. I feel awful. Para akong sinisilihan sa puwet kapag ibang babae ang kasama ko. Gustong-gusto kong bumalik sa tabi ni Zeph and bury my face on her neck so I could smell her scent.

But right now, I can't just move and pushed this woman away from me. She's important to me and I love her. I care for her a lot because she means a lot to me. I'll do everything for her happiness and by that, I know, I can be genuinely happy too.

Nanatili kami sa ganoong posisyon ng makarinig kami ng pagtikhim. Sabay kaming lumingon sag awing kanan at halos mapangiwi ako sa matatalim niyang mga tingin.

"Cecilia, come. Join us for dinner." Cecilia didn't respond to her invitation instead she glared at me like ordering me to talk to her. Umalis ito at narinig kong nagbukas ang guest room. Marahil ay gusto niya talagang magkausap kami ng masinsinan.

Marahan kong tinanggal ang braso na nakayakap sa akin at humarap ako sa kanya. "I'll just talk to her." She smiled to me and nodded completely being oblivious on what's happening or maybe she's just ignoring what's happening around her.

Mabilis akong naglakad patungong guest room at pumasok doon. But it was just like a déjà vu because just after I entered the room, a vase flew and crashed just few inches away from me.

"What the hell, Ces!" I exclaimed pero hindi pa ako halos nakakarecover ay sumugod na siya sa akin at sunod-sunod na suntok ang ibinigay niya sa akin.

Cecilia is addicted to martial arts. Bata pa lang siya ay nag-enrol na siya sa iba't-ibang martial arts classes kaya hindi nakakapagtakang malalakas ang suntok niya at halos hindi ako makaiwas. Maya-maya ay sumasabay na rin ang kanyang paa sa pagsipa at sa isang maling iwas ako ay nasipa niya ako sa tagiliran kaya natumba ako. Pero hindi pa iyon natapos dahil bago pa man ako matumba ay isang malakas na suntok sa mukha ang iginawad niya.

"I know that you're my twin but I never thought that you can't be as clever as me." Aniya na hindi man lang napagod sa ginawa niya sa akin.Umupo ako pinahid ang dugo mulo sa bibig. Tang ina! Ang lakas talaga niya sumuntok!

"Tapos ka na?" Tumingin ako sa kanya at nakita kong lalo siyang nagalit sa sinabi ko. Well, I think I deserve that punch but that doesn't mean that I will stop whatever I'm doing right now. Not when the love of my life's happiness is at risk.

"Seriously, Jayson? Nag-iisip ka ba talaga? O kahit na isang segundo eh ginamit mo yang utak mo na kasing-laki ng popoo ng manok?" Aniya at hinilot pa nila ang sentido nito na parang masakit ang kanyang ulo nang dahil sa akin.

No Love Involved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon