The Doctor

8.5K 177 12
                                    

Zeph.

 

“J-jayson…” Nauutal na sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pakiramdam ko isa akong batang nahuli ng nanay habang nangungupit ng pera. Ang ipinagkaiba nga lang ay ang nanay pagagalitan ka pero mahal ka niya. Kay Jayson ay iba. Galit siya at kahit kailan hindi ka niya mamahalin.

Hindi ako makahinga. Nanginginig ang katawan ko sa halo-halong emosyon. Ni hindi ko na nga namalayan na pinaupo na ako ng maayos ni Jim at nakatayo na siya habang halos magpatayan sa tingin ang dalawa.

“Who are you to enter this unit and interrupt us?” Ani Jim sa mabagsik na tono. This is the second time that I saw him this way. Una ay noong halos patayin niya sa bugbog si Nicky for cheating Elsa. Wala na akong pakialam kung ano ang sinasabi niya ang alam ko lang ay galit na galit siya.

At hindi papahuli sag alit si Jayson. Matalim ang tingin niya sa akin at alam kong anytime ay makakaita ulit ako ng mga taong nagbubugbugan.

“Who am I? Bakit hindi mo tanungin si Zeph kung ano ako sa buhay niya?” Itinuro niya ako pero nanatiling nakatikom ang aking bibig. Hindi ko rin naman alam kung ano kami eh. Ano nga ba? Bukod sa nagkasundo kami sa pinakamaling desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko, ano pa ba?

Jim laughed humorlessly. “You? Kung importante ka edi sana kilala na kita. Zeph won’t keep a secret to me. We’ve known each other for than a decade now. Eh ikaw? Kailan kayo nagkakilala?”

Umigting ang panga ni Jayson sa narinig niya. Oo. Alam kong galit siya pero ang hindi ko alam ay bakit. “Ako lang naman ang taong gusto niya maging---“

“Ama ng anak niya?” Jim cut him off. “Pwes huwag ka ng mag-abala. She doesn’t need you anymore.” Jim said. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin pa. Laking pasalamat ko na narito si Jim dahil kung hindi ay malamang nauto na naman ako ni Jayson at nagpatangay na naman ako sa pesteng puso ko.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at parang awtomatikong bumaling silang dalawa sa kamay ko na nakakapit kay Jim. Jim smiled at me reassuringly but when I looked at Jayson, kung nakamamatay ang tingin ay malamang kanina pa ako patay.

“You don’t need me anymore? Is that it, Zeph?!” Sigaw na tanong niya sa akin pero imbes na sumagot ako ay nagbaba lang ako ng tingin.

“Go to your room, Zeph. You wait for me there.” Jim said. Tatayo na sana ako pero napigil ito ng magsalita ulit si Jayson.

“Running away? Akala ko ba Zeph iba ka? You said yesterday iba ka. Then now?” Puno ng pang-uyam ang salita niya at hindi na kataka-takang magdugo ang bibig ko sa diin ng pagkakakagat ko dito.

Oo. Hindi ako nagpakita sa kanya dahil sa ayoko ng masaktan pero hindi mawawala sa puso ko na baka---baka hanapin niya ako so he can apologize, kahit na alam kong tatalon muna mag-isa ang bato bago mangyari ‘yun. I thought he’ll say sorry, take care of me, and promise not to hurt me again but he didn’t. Narito siya ngayon sa harap ko habang inuulit ang mga salitang halos pumatay sa akin sa sobrang sakit kahapon.

No Love Involved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon