Stephanie

8.6K 178 6
                                    

A/N: Short updated. Nabitin kayo kanina eh. Basta, don't forget to read the A/N at the end of this chap.

Enjoy Reading!

 

Steph.

 

Nanginginig ang buong katawan ko. Pagkaalis ni Zeph ay hindi nakapagreact ang lahat sa mga sinabi niya. Tears were streaming down her face but she was forcing herself to cry.

God, what did I do? I just want a complete family for my child. Hindi ko ba pwedeng gawin 'yon?

Miguel obviously doesn't love me, he loves Zeph so much and I don't want my child to feel that. So I resorted in choosing Jayson, NO, forcing Jayson. But no... Jayson loves me. I know he does. He understands me and he'll never leave me.

Napalunok ako. Napaisip ako, hindi niya nga ba ako iiwan kung hindi ko siya binablack mail? If I didn't blackmail him that I would upload their sex video taken in his office, will he succumb to my plea?

I know that he won't let Zeph suffer the consequences of his jealousy. He might have thought of using that video to keep Zeph. Para kapag umayaw na si Zeph ay matatakot niya ito para hindi na siya iwan. It was just bad that now, it is now used to push Zeph away from her.

It's obvious that Jayson doesn't want to lose Zeph but he can't do anything now. I am holding him on his neck and he can't say no to me.

I closed my eyes. I know how evil am I but no, I can't back out now. Nakarating na ako sa ganito. Ipagpapatuloy ko ito and there's no point of giving up. Zeph is strong. Hindi niya kailangan si Jayson, ako kailangan ko siya, kailangan naming siya ng anak ko.

"Masaya ka na, Steph?" Nanginig ako sa boses ni Jayson. His voice shows how broken he is and I will not dare to look at his eyes anymore. Alam kong puro galit lang ang makikita ko sa mga mata niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Pero sa pag-iwas ko ay nakita ko ang nakatulalang si daddy habang humahagulgol si Mommy. Nanikip lalo ang dibdib ko. Hindi pwede ito. I can't stop. I should not stop!

"Dad, Mom, come on. Hindi ba kayo masaya na sa wakas ay magbabago na si Zeph? She's been a brat—-"

 

"Again, Steph, are you happy now?!" I was cut by Jayson's shout. Tumayo ito at saka sinuklay ang buhok na parang nagpipigil ng emosyon. Nagsimula na akong matakot. Kahit kailan ay hindi pa siya naging ganito sa harap ko, sa akin.

"J-jayson..." Mahinang pagtawag ko. Hindi ko kaya. Nanginginig na ako sa takot na nadagdagan pa nagsisigaw ito at saka humagulgol.

Walang ginawa ang mga magulang ko. Si daddy tuluyan ng umiyak. Lumunok ako ng paulit-ulit, umaasang mapipigilan ko ang aking mga luha.

Oo, inaamin ko, nakukunsensya ako. God knows how much I love Zeph but this time I have to be selfish. I sacrifice my happiness for her before, mali bang isipin ko rin ang kapakanan ko at ang kapakanan ng anak ko? A lot of people love her. She has Jim, Miguel, her friends, and I bet a lot of men will go down on their knees for her. Si Jayson lang naman ang kailangan kong kunin mula sa kanya and from the start, akin naman talaga siya.

Pero bakit pakiramdam ko, ako ngayon ang pinakamasama? Minsan lang ito pero bakit kailangang ganito kalala ang resulta?

"Steph... S-saan ako n-nagkulang, anak?" my mom said. Halos hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil hindi mapuknat ang pag-iyak niya.

Nag-iwas ako ng tingin. "Wala, mommy. Z-zeph is just so s-selfish."

 

"Stop! P-please, Steph... S-stop..." She paused. "Ngayon—-ngayon ko lang narealize na s-sobra sobra ang pagmamahal at pagkalinga ko s-sayo. H-hindi ako nagsisisi na ginawa ko yon pero nagsisisi ako na h-hindi ko 'yon ginawa kay Zeph lalo pa—-lalo pang—-." Hindi niya ng natapos ang sinasabi niya dahil humagulgol na naman siya.

Kumuyom ang aking palad. Inalo siya ni daddy habang si Jayson naman ay nakasalampak sa sahig, sapo-sapo ang ulo. Alam kong maging siya ay umiiyak dahil bukod sa may tunog ito ay nagtataas-baba ang kanyang balikat.

Hanggang sa hindi ko na rin napigilan ang pag-iyak. Masakit. Sobrang sakit na kailangan namin umabot sa ganito at natatakot na ako sa mga pwede pang mangyari. Nanatili kami sa gaanong estado ng halos isang oras ng magulat kami sa humahangos na driver ni Zeph. Maputla ang kanyang mukha at halata ang panginginig.

"Ma'am, Sir... Si Ma'am Z-zeph po..." Tinambol ng kaba ang aking dibdib.

"Anong nangyari sa kanya, Manong?" Tanong ni Jayson na ngayon ay nakalapit na sa driver ni Zeph.

"Pinababa n-niya po kasi ako sa kotse... S-siya po ang n-nagdrive... S-sorry po... S-sorry po."

"Damn it! Anong nangyari? Na saan siya?!" Ani Jayson.

Napaupo ang driver niya at nayanig ako sa balitang inihatid niya.

"N-naaksidente po siya—- Naaksidente po siya."

 

 

 

 

A/N:

 

Don't kill me. 

No Love Involved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon